Sunday , March 30 2025
Jojo Mendrez Nandito Lang Ako 

Nandito Lang Ako ni Jojo Mendrez tagos at may sipa sa puso

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

KUNG bonggang gimik din lang ang pag-uusapan, hindi talaga magpapatalo itong si Jojo Mendrez, ang tinatawag ngayong Revival King sa music industry.

Despite his explaining about the stories on him, Mark Herras and Rainier Castillo, tila para pa ring hindi matapos-tapos na tono sa kanta ang tsismis sa kanila.

Pero ‘ika nga sa matandang kasabihan sa showbiz, publicity whether good or bad, is still a publicity.

But to be honest about this, may malaki namang “K” si Jojo para matawag na singer o artist. Maganda ang boses kahit pa nga maliit ito kompara sa boses ng isang barako, nakabibirit pa, may stage presence at appeal na gugustuhin mong makita at pakinggan. May sarili siyang tatak sa pag-interpret ng mga cover song niya pero sa kanyang latest at original song na Nandito Lang Ako talagang lumabas ang kanyang talent.

Noong pinakikinggan namin ang kanta, naalala namin ang noo’y nag-umpisang si Imelda Papin, na tinawag pang Sentimental Songstress, hanggang sa maging Jukebox Wueen ito at naging isang music icon.

Marahil ay si Jojo na ang counterpart nito dahil sa bawat bitaw  ng mga Tagalog word  ay para lang itong nagkukuwento na may tagos at sipa sa puso.

Goodluck and Congratulations!

About Ambet Nabus

Check Also

Kathryn Bernardo sexy 2

Kathryn’s sexy photos orig at ‘di peke, pinagpipistahan

I-FLEXni Jun Nardo TUMODO sa kaseksihan at 29 si Kathryn Bernardo na pinagpipistahan ngayon sa social media …

Elections

Kampanya sa eleksiyon maigting, mapangahas, palaban

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PORMAL at opisyal nang magsisimula today, Friday ang local campaigning para …

Jojo Mendrez Rainier Castillo Mark Herras

Management ni Jojo Mendrez umamin sinakyan pag-uugnay kina Mark, Rainier

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA last presscon ng tropa ni Jojo Mendrez kaugnay pa rin ng mga …

Vice Ganda Ion

Garage sale nina Vice Ganda at Ion pinagkaguluhan 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DINAGSA ang garage sale nina meme Vice Ganda at Ion Perez na nagsimula kahapon at …

Kathryn Bernardo sexy

Kathryn mala-super model at beauty queen ang awrahan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KATHRYN Bernardo at 29! Sobrang seksi at very mature na ang …