Wednesday , March 26 2025
Lito Lapid

Lito Lapid top 7 sa Octa Survey 

TUMAAS pa  ang tiwala ng taumbayan kay Sen. Lito Lapid matapos manatili sa “Magic 12” ng pinakabagong pre-election survey ng OCTA Research para sa 2025 senatorial race. Isinagawa ang survey mula February 22-28, 2025.

Batay sa resulta ng OCTA Research survey, naitala ni Lapid ang 43% ratings ng mga botante at nasa ikapitong ranking.

Nauna rito, pumatok si Lapid sa top 3 sa isinagawang survey ng Social Weather Station (SWS) sa survey na isinagawa rin ng kaparehong date.

Nahalal na senador si Lapid noong 2004 at sakaling manalo ay ikaapat na termino na niya.

Sa ilalim ng 14th Congress pa lang, isa si Lapid  sa top performing senators dahil sa dami ng mga panukalang batas at resolusyon na inihain. Siya ang may akda ng isa sa mga makabuluhang batas sa lipunan, ang Free Legal Assistance Act of 2010 na naglalayong tiyakin na ang mahihirap ay mabibigyan ng libreng kalidad na serbisyong legal.

Ilan pa sa iniakda ni Lapid ang Meat Labeling Act of 2011, Comprehensive Unilateral Hearing Loss Research and Development and Rehabilitation Act, Urban Agriculture and Vertical Farming Act, Corporate Social Responsibility Act, Kindergarten Education Act at Adopt-A-Wildlife Species Act.  (MVN)

About hataw tabloid

Check Also

Atty Levito Baligod Marilou Malot Galenzoga-Baligod

Pork barrel scam lawyer sinalag nanlalait sa  celebrity candidates

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGTANGGOL ng isang anti-corruption advocate na kumakandidatong kongresista sa Baybay, Leyte …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon nagbabalik sa tunay na mahal: makatulong sa kapwa

SA loob ng ilang dekada, pinatunayan ni Sharon Cuneta kung bakit siya tinawag na “megastar.”   Reyna ng …

Zanjoe Marudo Ria Atayde Sylvia Sanchez Art Atayde

Sylvia pinuri, pinasalamatan si Zanjoe sa pagiging mabuting asawa kay Ria

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAPAKASUWERTE ni Zanjoe Marudo na nagkaroon siya ng mapagmahal na byenan. Ganoon din …

DOST Region 1s float and mascots dazzle crowd hype science at grand parade

DOST Region 1’s float and mascots dazzle crowd hype science at grand parade

CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION– The Department of Science and Technology Region 1 (DOST …

No Firearms No Gun

Sa Paco, Maynila
25-Anyos gangster huli sa aktong nagbubuo ng pen gun

ARESTADO ang isang lalaking huli sa aktong nagbubuo ng isang improvised firearm sa kahabaan ng …