Wednesday , April 2 2025
Anthony Rosaldo

Anthony may magic sa theater—very fulfilling and satisfied 

RATED R
ni Rommel Gonzales

BATUBALANI ang title ng bagong kanta ng Sparkle artist na si Anthony Rosaldo.

Nasa ilalim ng GMA Playlist, taong 2022 pa isinulat ni Anthony ang kanta.

My inspiration actually is from the title itself, ‘Batubalani,’ so parang if I’m not mistaken, na-encounter ko ‘yung word somewhere in an article yata or a video, tapos I got curious kung anong meaning niyong Batubalani.

“So ‘yung meaning po ng Batubalani is magnet, magnet siya. So ‘Batubalani’  is a love song. So if you guys listen to the lyrics, tungkol siya sa pag-ibig ng isang taong hindi kayang mahiwalay sa kanyang mahal.

“So lagi siyang naghahanap ng chance na mapalapit sa kanya and hindi sila mapaghihiwalay.

“So it revolves around that and I, as a big fan of mga K-drama, ganoon sila, ‘di ba?

“‘Pag napapanood ‘yung bida, parang grabe naman sila, hindi sila mapaghiwalay, ‘yung love nila against all odds, sila lang forever.

“So parang ganoon, doon po tumakbo siya.”

Isa ring stage actor si Anthony at malapit na siyang mapanood sa musical play na Liwanag Sa Dilim.

Ano ang fulfillment na nakukuha niya sa teatro?

‘Yung fulfillment ko naman po sa theater, iba kasi, eh.

“It requires a lot of hard work, patience, and also being genuine to your co-characters. 

“Marami po siyang things na mapu-fulfill ka kasi nagawa mo ito, nakapag-memorize ka, nakapag-choreograph ka, you’re able to give feelings na hindi mo basta-basta nabibigay on a normal day.

“Sa theater po, kailangan talagang bigyan mo ng buhay ‘yung isang character and make people believe na ikaw talaga ‘yun.

“So there’s magic in theater po, na I find very, very fulfilling and I’m very satisfied.”

About Rommel Gonzales

Check Also

Marco Adobas TNT Showtime

TnT Grand Resbak contestant tsinugi, posible pang kasuhan

MA at PAni Rommel Placente DINISKWALIPIKA ang isang contestant sa Tawag ng Tanghalan All-Star Grand Resbak …

MLWMYD ng KimPau kumita ng P12-M sa unang araw pa lamang na ipinalabas

MA at PAni Rommel Placente NOONG  pumasok si Kim Chiu kasama ang ka-loveteam na si Paulo Avelino sa Bahay …

Marianne Bermundo The Philippine Young Faces of Success

Marianne Bermundo wagi sa Philippine Young Faces of Success 2025

MATABILni John Fontanilla PAREHONG wagi sa katatapos na The Philippine Young Faces of Success 2025 ang mag-inang Virgie …

Alden Richards VIVA

Alden tutuparin pangarap na maging piloto

MATABILni John Fontanilla ISA pala sa matagal ng pangarap ng Kapuso actor Alden Richards  at ng …

Cecille Bravo Pete Bravo Philippine Faces of Success

Businesswoman, Philanthropist Cecille Bravo inspirasyon pagkilalang iginawad ng Philippine Faces of Success

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang taunang pagbibigay parangal ng Best Magazine na ngayon ay nasa ikaanim na …