Monday , April 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Find my Phone App Motorcycle Hand

Kawatan ng motorsiklo inginuso ng mobile app

SA MABILIS na pagtugon sa insidente ng robbery at carnapping, matagumpay na naaresto ng pulisya ang isang magnanakaw ng motorsiklo habang ang mga kasabwat niya ay nakatakas at kasalukuyang pinaghahanap, nitong Linggo, 23 Pebrero, sa lungsod ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan.

Sa ulat mula sa Baliwag CPS, naganap ang insidente dakong 2:30 am kamakalawa sa kahabaan ng Predrino St., Brgy. Catulinan, sa nabanggit na lungsod.

Unang iniulat ng biktima sa Baliwag CPS na tinutukan siya ng baril ng tatlong hindi kilalang suspek na sakay ng motorsiklong Yamaha NMAX at inagaw ang kaniyang itim na Yamaha NMAX, may palakang 103ROD kasama ang mga personal na gamit na nakalagay sa compartment nito.

Desididong mahanap ang mga ninakaw na gamit, ang biktima, sa tulong ng kanyang kapatid at mga kaibigan, ay natunton ang posibleng kinaroroonan ng mga suspek gamit ang “FindMyPhone” application sa kanyang iPhone.

Nang makompirma ang lokasyon, humingi siya ng tulong sa pulisya, na humantong sa agarang pagresponde ng Baliwag CPS.

Dakong 5:40 pm nang araw ding iyon, nagpunta ang mga operatiba sa tinukoy na lokasyon, na humantong sa pagkakadakip sa suspek na isang CICL (child in conflict with the law) habang tinatangka niyang  i-unlock ang ninakaw na iPhone ng biktima sa isang cellphone repair shop sa Brgy. Sta. Cruz I, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay P/Col. Satur Ediong, provincial director ng Bulacan PPO, ang isinagawang operasyon ng mga operatiba ay nagpapakita ng kanilang hindi natitinag na pangako sa pagsugpo sa kriminalidad. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Pink Sisters

Kapayapaang Espiritwal sa Pink Sisters

ni Teddy Brul ISA sa mga pinakatahimik at sagradong destinasyon ng mga deboto ngayong Semana …

Martin Romualdez Marty Romualdez

‘Selfie Diplomacy’
Congressman Romualdez at Councilor Marty, naghatid ng ‘Asikaso’ sa Leyte District Visit

TACLOBAN CITY — Hindi lang basta inspeksiyon ng mga proyekto ang naganap, kundi isang masayang …

Rodolfo Ompong Tan Neil Clark Ongchangco

Kilalang Baguio citizen, photojourn patay sa trahedya sa ilog

BAGUIO CITY — Kilala sa kanyang mga kuhang retrato, si Rodolfo “Ompong” Tan, isang prominenteng …

Gun Fire

Sa Catbalogan, Samar  
Holdapan sa bus terminal nauwi sa barilan 1 patay, 1 sugatan

BINAWIAN ng buhay ang isang suspek, habang sugatan ang isa pa nang mauwi sa barilan …