Thursday , June 4 2026
Gerald Anderson Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis umokey kissing scene ni Jessy kay Gerald

MA at PA
ni Rommel Placente

SA bagong serye ng ABS-CBN na Nobody, sina Gerald Anderson at Jessy Mendiola ang magkapareha rito.

Hindi ito ang unang pagkakataon na magsasama sa serye sina Jessy at Gerald. Una silang nagtambal sa sikat na sikat na serye noon ng Kapamilya Network na Budoy, na gumanap dito si Gerald bilang autistic, at si Jessy naman bilang best friend at love interest.

Sa serye ay magkakaroon ng kissing scenes sina Jessy at Gerald. Pero okey lang ‘yun sa mister ni Jessy na si Luis Manzano

Ayon sa aktor-TV host, hindi naman siya magseselos. At napag-usapan na naman nila ‘yun before pa ni Jessy.

Tinanong daw siya kasi siya ng misis, na kung halimbawang may offer sa kanya na may kissing scene o lovescene ay kung okey lang ba sa kanya?

Ang sagot ni Luis, kung sa tingin ng misis ay may fulfillment ‘yun sa kanya bilang isang aktres, tanggapin nito ang offer at okey lang ‘yun sa kanya.

O ‘di ba, ganoon kalawak ang pang-unawa ni Luis, na naiintindihan niya si Jessy, na trabaho lang naman ang gagawin nito bilang isang artista at walang personalan.

At siya rin naman kasi na bukod sa pagiging isang host ay isa rin namang artista.

Nakausap namin si Luis sa ikatlong edisyon ng Barako Festival na binuksan noong Huwebes (February 13) at nagtapos noong Sabado (February 15).

Hindi lang pagdiriwang ng dekalidad na uri ng kape sa lalawigan ang ipinagdiwang sa Barako Festival, itinampok din dito ang mga nangungunang produkto ng bawat lungsod at munisipalidad at kung paano iyon lumilikha ng mga trabaho at nagpapalakas ng lokal na ekonomiya.

Ang mga hotel ay ganap na naka-book. Laging puno ang mga restaurant. Wala nang mas maganda pa rito,” pahayag ni Bryan Diamante, pangulo at chief executive officer ng Mentorque Productions sa isang press conference.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …