Monday , April 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sipat Mat Vicencio

Benhur, Tol mahihirapang lumusot sa halalan

SIPAT
ni Mat Vicencio

MALAMANG na masibak ang kandidatura nina dating Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., at Senator Francis “Tol” Tolentino kung hindi pagbubutihin ang ginagawang pangangampanya para sa eleksiyon na nakatakda sa Mayo 12.

Sa senatorial lineup ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sina Benhur at Tol ang kadalasang ‘kulelat’ sa mga senatorial survey lalo sa Pulse Asia at Social Weather Station.

Hirap na hirap makapasok sa ‘Magic 12’ sina Benhur at Tol sa survey na isinasagawa ng Pulse Asia at SWS, at nauungusan pa ng ilang senatorial candidates kahit na hindi naman kabilang sa administration slate.

Sa latest senatorial survey ng Pulse Asia nitong January 18–25, nasa ika-18 si Benhur samantala si Tol naman ay nasa ika-20 puwesto. Pumasok pa sa ‘Magic 12’ sina Senator Bong Go at Senator Bato dela Rosa na kabilang sa PDP-Laban.

Walang pinagbago ang January 17-20 survey ng SWS dahil si Benhur ay nasa 18th place pa rin at si Tol naman ay walang pagbabago sa ika-20 puwesto. Tinalo pa sina Benhur at Tol ni Willie Revillame o Kuya Wil na pumasok din sa ‘Magic 12.’ Bigyan ng jacket ang dalawang ‘yan!

Kung tutuusin, hindi naman talaga rumirehistro sa kamalayan ng mga botante o taongbayan ang kandidatura nina Benhur at Tol, at kahit tadtarin ng kanilang political ads ang print, telebisyon, at radio, lumalabas na wala pa rin itong epekto.

         Kaya nga, marami ang nagtatanong kung maayos o organisado bang talaga ang makinaryang propaganda nina Benhur at Tol? O, baka naman palpak lang ang implementasyon ng mga handler nito lalo na ang kani-kanilang media operators?

Sabi nga, hindi pa huli ang lahat at meron pa namang mahigit na dalawang buwang natitira sa campaign period para ayusin ang sistema ng pangangampanya at piliting malagpasan ang ilang nangungunang kandidatong senador.

Pero kung nakikita naman nina Benhur at Tol na talagang wala na silang pag-asang makapasok sa darating na eleksiyon, e, malaya nilang masusundan ang yapak ni Willie Ong at ni Wilbert Lee… babuuuu!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mataas na presyo, maling pinupuntirya

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PATULOY ang digmaan sa Gitnang Silangan, at kahit malayo …

Sipat Mat Vicencio

Datem, DMCI at iba pang major construction firms tutulong kay PBBM

SIPATni Mat Vicencio INAASAHANG magiging maayos at matino ang pagpapatupad ng susunod na malalaking infrastructure …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Pagkiling ng Ombudsman sa dating House Speaker depensang garapal nga ba?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PATULOY na pagbanggit sa pangalan ni Martin Romualdez sa iba’t …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Kapangyarihan vs. pananampalataya sa panahon ng Kuwaresma

PADAYONni Teddy Brul HABANG papalapit ang panahon ng Kuwaresma—isang yugto ng pagninilay, pagsisisi, at pagbabalik-loob—muling …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Sa likod ng oil price hike
Dambuhalang kita ng kompanya, pighati ng masa

PADAYONni Teddy Brul SA BAWAT LINGGO, tila naging normal na ang biglaang taas-baba ng presyo …