Tuesday , May 6 2025
P2.7-B illegal drugs nasabat ng NBI PDEA
P2.7-B SHABU SA CONTAINER CARGO MULA PAKISTAN NASABAT. Sa pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BoC), at Department of Justice (DOJ) natukoy ang 404.9515 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.7 bilyon. Sa nasabing pinagsanib na operasyon, nagawang tukuyin, hanapin at pigilan ang isang container cargo galing ng Karachi, Pakistan na kinalalagyan ng nasabat na kontrabando. Naaresto ang lima katao na kinilalalang sina Oscar Campo Berba, Kevin Lee Manuel Arrio, Richard Perlado Aguantar, Karen Villaflor Sacro, Rey Baysa Gujilde na pawang consignee/broker at may-ari ng forwarding company. Ipinakita ng NBI ang mga retrato ng kanilang mga nakompiskang ilegal na droga sa ginanap na press conference sa NBI Main Office sa Filinvest Cyberzone Bay City sa Pasay City kahapon ng umaga. (EJ DREW)

P2.7-B illegal drugs nasabat ng NBI/PDEA

020725 Hataw Frontpage

TINATAYANG sa P2.7 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), PDEA Dangerous Drugs Division (DDD), Organized and Transnational Crime Division (OTCD), at Bureau of Customs (BoC) sa South Harbor, Port Area, Maynila mula Pakistan.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago nakatanggap sila ng impormasyon mula sa kanilang foreign counterparts na may paparating na malaking drug shipment sa Filipinas mula sa Karachi, Pakistan.

Agad itong ipinaalam sa Department of Justice (DOJ) at nakipag-ugnayan ang NBI sa iba pang law enforcement agency para ikasa ang operasyon.

Nang maberipika ang kargamento na idineklarang boxes of food products at Vermicelli and Custards  agad binuksan ang container kung saan nakalagay ang mga kahon ng noodles kaharap ang mga sangkot sa shipment kung saan tumambad ang 404.9515 kilograms na hinihinalang shabu.

Naaresto ang mga consignee ng illegal drugs na isang Oscar Campo Berba.

Inaresto rin ang mga kasabwat na sina Kevin Lee Manuel Arrio at Richard Perlado Aguantar na kapwa Customs Broker; Karen Villaflor Sacro, Presidente ng Freight Forwarding Company, at Rey Baysa Gujilde, President ng Freight Forwarding Company, Ark Global Movers.

Binigyang-linaw ni Santiago, ang mga suspek ay naaresto batay sa kanilang papel sa plinanong pagpupuslit upang mapadali ang pagpasok ng mga ilegal na droga sa bansa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

SM Hypermarket Complete Home 2025

Complete Home 2025: Budols That Bring Joy to Your Home

SM Hypermarket’s Complete Home is Back — where incredible savings and home upgrade inspiration come …