Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhen Escaño CC6 Online Casino at FunBingo

Rhen Escano ini-renew kontrata sa CC6 Online Casino at FunBingo

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PAGTULONG sa komunidad ang pangunahing adbokasiya ng CC6 Online Casino at FunBingo. Ito ang dalawang malalaking online gaming platforms sa Pilipinas na hindi lang nagbibigay ng saya kundi patuloy ding tumutulong sa komunidad.

Kamakailan muli nilang ini-renew ang kontrata ni Rhen Escaño bilang celebrity endorser nila. Isinagawa iyon noong Biyernes, Enero 31 sa Hive Hotel.

Ang CC6 Online Casino, na may 700,000 daily active users, ay kinilala bilang “Most Trusted Online Casino” at “Top Responsible Gaming Platform.” Katunayan, ang FunBingo, na may 40,000 daily users, ay ginawaran ng “Outstanding Community Service Award” dahil sa patuloy nitong adbokasiya sa pagtulong.

Certified PAGCOR ang CC6 at FunBingo at kinikilala rin ng Malta Gaming Authority at Gaming Curaçao. Mayroon din silang GeoTrust certification para matiyak ang patas at ligtas na gaming experience. Bukod dito, 24/7 ang kanilang customer support para kung may hindi maresolbang isyu, maaaring magsumite ng claim para sa agarang aksiyon.

Sinasabing ang larong ito ang larong  may puso. Hindi lang lang kasi gaming ang focus nila kundi layunin nilang tumulong sa mas nangangailangan.

Sa mahigit isang taon, marami na silang naisagawang community projects sa iba’t ibang lugar: Namahagi sila ng grocery items at merchandise sa mga biktima ng landslide at pagbaha sa Davao del Norte at Marikina, bilang tulong sa mga nasalanta ng kalamidad; 

Nagpa/feeding programs sila sa Makati, Cavite, at Manila, upang suportahan ang mga nangangailangan;

Nagbigay sila ng tulong sa mga batang may kapansanan, para mapadali ang kanilang pang-araw-araw na buhay;

Nagbigay sila ng suporta sa mga katutubong estudyante na Aeta sa Bataan, upang maipagpatuloy ang kanilang edukasyon;

Nagsagawa sila ng ng tree planting sa Rizal, Antipolo, para makatulong sa pangangalaga ng kalikasan;

Bumisita at nagbigay ng tulong sa mga batang kababaihan na minaltrato sa Bulacan, na roon mismo nagdiwang ng kaarawan ang kanilang ambassador, si Ms. Rhen Escaño, na may malasakit sa mga nangangailangan; at

Sumuporta sila sa mga sports activities gaya ng basketball leagues sa iba’t ibang barangay ng Cavite at Bulacan

At dahil sa patuloy na serbisyo sa komunidad, nakatanggap sila ng iba’t ibang awards bilang pagkilala sa kanilang mabubuting gawain.

Ayon sa CC6, unang linggo ng Setyembre 2024, inilunsad nila ang FunBarangay, isang programa na linggo-linggo ay umiikot ang kanilang team sa iba’t ibang barangay sa Pilipinas para magbigay-saya at tulong.

Nakatataba ng puso na makita ang mga ngiti sa labi ng ating mga natutulungan—mula sa mga bata, matatanda, ate, kuya, lolo at lola. Ang misyon ng CC6 at FunBingo ay maibalik ang pagmamahal at suporta na patuloy naming natatanggap mula sa aming players, VIPs, partners, at government,” lahad ng CC6 management. 

Ngayong 2025, anila, mas malaking tulong ang kanilang ihahatid.

Noong February 2, 2025, ipinagdiwang nila ang 5th at 7th anniversary ng Funbingo. At bilang pasasalamat, namigay ng ₱77-B mula sa CC6 at ₱27-B mula naman mula FunBingo.

Bukod dito, magdadagdag pa sila ng mga bagong features upang lalo pang mapaganda ang gaming experience: ito ay ang mga sumusunod:

-AR/VR gaming para sa mas interactive at immersive na paglalaro

-Blockchain transparency upang masigurong patas at ligtas ang bawat laro

-Live tournaments at events para sa mas exciting na community engagement

-Mas pinalawak na affiliate program upang bigyan ng mas maraming earning opportunities ang mga user.

Tiniyak pa ng CC6 at FunBingo na patuloy silang magbibigay ng tulong at pag-asa sa komunidad kasama ang kanilang events team na pinamumunuan ni Ms. Dhevy SahagunB’Vibes Entertainment Production, at ang JAF Digital Group.

Iginiit pa na ang CC6 at FunBingo ay hindi lamang basta laro, kundi gaming na may malasakit!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …