Thursday , June 4 2026
Rufa Mae Quinto Willie Revillame

Willie tinuligsa pagbibigay ng P1-M kay Rufa Mae

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY mga hindi pala happy sa  sa pagbibigay ng TV host na si Willie Revillame ng P1-M kay Rufa Mae Quinto kamakailan. Ito ay bilang tulong sa komedyana na nagpiyansa ng P1.7-M matapos sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y paglabag sa Section 8 ng Securities Regulations Code.

Maging ang sexy actress nga ay hindi makapaniwala sa napakalaking tulong na ito ng TV host.

Pero kung may mga masaya, mayroon din ngang hindi. May mga umalma rin na mga taong malapit umano sa host ng Wil To Win. 

Ayon sa vlog ni Cristy Fermin na dating malapit kay Willie, may nagtsika raw sa kanila na napakarami pang taong mas deserving na tulungan ni Kuya Wil kaysa komedyana, na kung iisipin ay may kakayahan naman daw na pyansahan o gastusan ang sarili sa kinakaharap nitong kaso.

May mga nagtaas daw ng kilay  at napatanong na bakit daw si Rufa Mae, samantalang mas may mga kasamahan daw sa trabaho ang higit na mas nangangailangan. Parang wala naman daw silang natanggap na ganyan kalaki na tulong at kung mayroon man daw tulong ay pahirapan pa. 

Bukas ang aming kolum sa reaksiyon at panig ni Kuya Wil.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …