MA at PA
ni Rommel Placente
SIGURADO na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose na ang isa’t isa na ang gusto nilang makatuluyan at makasama sa iisang bubong.
Sa kanilang show na All Out Sundays noong Sunday, sa harap ng kanilang televiewers at live audience, nagbitaw ng pangako sa isa’t isa ang JulieVer, na any moment ay magle-level up na rin ang kanilang pagmamahalan, at umaasang sa kasalan na talaga mauuwi ang relasyon.
Tinanong ni Boy Abunda ang dalawa nang mag-guest ito sa AOS noong nakaraang Linggo ng, ‘kung malapit na ba silang ikasal?’
Sagot ni Rayver, “Tito Boy, ito na seryoso, ang plano ko po talaga ngayong 2025 ay mas maipakita ko pa kay Julie at sa parents niya na ako na talaga ang karapat-dapat niyang mapangasawa sa future.”
Tilian at palakpakan ang mga kasamahan nina Rayver at Julie sa Sunday musical-variety show ng GMA na talagang ikinakilig din ng audience.
Sabi naman ni Julie, “Mahal ko talaga si Ray. Wala naman na akong hinahanap na iba eh, so papunta na tayo roon.”
O ‘di ba, sana nga ay sina Rayver at Julie na ang magkatuluyan.