Wednesday , January 15 2025
Dead Rape

Sa Talisay, Negros Occidental
PINAGBINTANGANG ‘SCAMMER’ PATAY NANG MATAGPUAN

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang 32-anyos babaeng pinaghihinalaang ‘scammer’ sa Hacienda Lizares, Brgy. Matab-ang, lungsod ng Talisay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Linggo ng umaga, 12 Enero.

Kinilala ni P/Maj. Rhazl Jim Jocson, deputy chief ng Talisay CPS, ang biktimang si Carl Kimberlyn Degabi, 32 anyos, residente sa Brgy. Mandalagan, sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay P/Maj. Jocson, umalis ng kanilang bahay si Degabi nitong Sabado ng gabi, 11 Enero.

Aniya, maaaring pinatay ang biktima sa ibang lugar bago itinapon sa Brgy. Matab-ang.

Hinihintay ng pulisya ang resulta ng awtopsiya sa katawan ni Degabi upang matukoy ang sanhi ng kaniyang pagkamatay at kung siya ay ginahasa.

Natagpuan si Degabi na may mga sugat sa kaniyang bibig.

Nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kung pinaslang ang biktima dahil sa pera dahil sa mga post sa social media na pinararatangan siyang scammer.

About hataw tabloid

Check Also

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …

FPJ Panday Bayani

Edukasyon sa lahat, mataas na sahod sa mga guro tungo sa AmBisyon 2040 – Brian Poe

IMINUNGKAHI ng unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan party list na si Brian Poe Llamanzares …

APCU 1

PH-China Understanding, Inc. inducts new officers, members

The Association for Philippines-China Understanding Inc. (APCU) has inducted its new officers and members/associates recently. …

BingoPlus jackpot 1

BingoPlus player bags a jackpot prize of 312 million pesos

BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, celebrated yet another milestone. A lucky player …

BingoPlus The Kingdom Piolo Pascual FEAT

BingoPlus hosts an exclusive block screening of Piolo Pascual’s The Kingdom

METRO MANILA – BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, hosted another exciting …