MATABIL
ni John Fontanilla
EXCITED magtrabaho ngayong 2025 si Charles Raymond Law dahil sunod-sunod ang kanyang magiging trabaho sa Viva.
Tsika ni Charles, “Right now po I’m part of a Ppop boy group named GAT na ilo-launch ng Viva soon.”
Dagdag pa nito. “Part din po ako ng Viva Artist Agencys Shorts with Xia Vigor and Sophie Jewel streaming po now sa tiktok, fb and youtube acct po ng Viva.
“And luckily po kasama po ako sa ‘Ang Mutya ng Section E’ soon po sa Viva one directed by direk Ted Boborol.”
Sa dami nga ng proyekto nitong taon ay nagpapasalamat siya sa Viva Agency sa tiwalang ibinibigay sa kanya para mapasama sa mga nasabing proyekto.
Sana nga ay magtuloy-tuloy ito hangang sa matapos ang taong 2025.