Thursday , June 4 2026
Maris Racal Anthony Jennings

Maris, Anthony nagpakita na sa publiko

LUMANTAD na noong Martes, Enero 7 sina Maris Racal at Anthony Jennings sa isang fan conference na isinagawa sa isang mall para sa pinakabagong teleserye ng ABS-CBN, ang Incognito.

Top trending topic muli magka-loveteam sa dami ng mga  post pictures at video nila na kuha sa event.

Kasama sina Maris at Anthony sa cast ng Incognito at ito ang unang pagkakataon na muli silang nakita ng netizens matapos ang cheating scandal.

Nasa fancon din ng Incognito sina Richard Gutierrez, Baron Geisler, Kaila Estrada, Ian Veneracion, at Daniel Padilla.

Kung pagbabasehan ang mga picture at video at ayon na rin sa mga nakakita ng live sa program, tila hindi mababakas na may pinagdaanang eskandalo sina Maris at Anthony.

May nagkomento pa ngang mabilis naka-move on ang dalawa mula sa kontrobersiya.

Malaman naman ang tinuran ni Maris nang matanong  kung ano ang tinatarget niyang goal na nais ma-achieve ngayong 2025. Anito, “to be stronger.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …