Thursday , January 9 2025
Lito Lapid Quiapo

Lapid muling ipinanawagan Quiapo ideklarang national heritage cultural zone

HIHIKAYATIN nj Sen Lito Lapid sa resumption ng sesyon ng Senado sa January 13, Lunes, ang kanyang mga kasamahang senador na aprubahan na ang panukala niyang ideklara bilang National Historical-Cultural  Heritage Zone ang Quiapo sa Maynila.

Ang panukala na may Senate Bill No. 1471, tinukoy ni Sen Lito na malaki ang naging bahagi  ng Quiapo sa  paghubog at paglinang ng ating kasaysayan, tradisyon, sining, kultura, turismo, relihiyon, at ekonomiya.

Ayon kay Lapid, chairman ng Senate Committee on Tourism, malaki ang ambag ng Quiapo sa turismo, religious beliefs, tradisyon, at kultura na siyang sentro noon ng kalakalan bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop, gaya ng mga Kastila, Hapones, at Amerikano.

Dahil kinikilala natin ang kahalagahan ng Quiapo sa ating kultura at kasaysayan, at ‘di matatawarang ambag sa pambansang  kaunlaran, dapat lamang ipakita ng pamahalaan ang kanyang pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagtakda sa Distrito ng Quiapo bilang isang Historical and Cultural Heritage Zone,”giit ni Lapid na gumaganap na Supremo(Primo) sa FPJ’s Batang Quiapo.

Sinabi pa ni Lapid na hinango ang pangalang “Quiapo” mula sa “Kiapo”(scientific name: stratioles pistia), isang klase ng water lily na kahawig ng repolyo na karaniwang nakikita sa estero ng Maynila bago pa sakupin ng mga Español ang Pilipinas.

Nang dumating ang Franciscan missionaries sa Maynila, itinatag nila ang Minor Basilica of the Black Nazarene na pinaglalagakan ng rebulto ni Nuestro Padre Jesus Nazareno na dinarayo ng mga deboto tuwing Enero 9 at ipinagdiriwang ang kapistahan nito.

Nang dumating ang mga Augustinian, nagtayo rin sila ng St. Sebastian church.

Dito rin matatagpuan ang Globo de Oro o ang kauna-unahang Mosque, Masjid Al-Dahab ng mga kapatid nating Islam.

Ang Quiapo rin ang nagsilbing saksi ng kasaysayan, kabilang na ang Plaza Miranda bombing na ikinasugat ng ilang senatorial candidates noong August 23, 1971.

Matatagpuan din sa Quiapo ang mga koleksiyon ng historic homes at iba pang antigong estruktura.

Sa isang blog ni Pio Andrade Jr., tinalakay niya ang American colonial period na naging sentro ang Quiapo ng news publishing, tulad ng El Renacimiento at Philippines Free Press.

Sinabi ni Lapid na layunin ng kanyang bill na muling buhayin ang Quiapo bilang sentro ng ekonomiya, paglikha ng mga bagong recreational facilities, at iba pang adventure opportunities, habang pinangangalagaan at iniingatan ang heritage and cultural integrity ng distrito. 

About hataw tabloid

Check Also

Dana Decena Bellezza Institute

Influencer na si Dana nagbahagi holistic approach sa wellness

RATED Rni Rommel Gonzales TAONG 2022 nagsimula ang Belleza Institute ng mag-inang Cristina at Dana …

Song of the Fireflies na pinagbibidahan nina MorisSette Amon Chai Fonacier Rachel Alejandro

Song of the Fireflies nina Morisette, Chai, at Rachel kaabang-abang

I-FLEXni Jun Nardo KAABANG-ABANG ang isa pang musical movie na mapapanood sa big screen. Ang …

Young actress nanganak na, pagbubuntis nailihim 

I-FLEXni Jun Nardo NAILIHIM ng isang network ang pagbubuntis at panganganak ng isang young actress …

Joel Cruz

Anak ni Joel Cruz nakitaan ng pagkahilig sa negosyo

MATABILni John Fontanilla PASASALAMAT ang gustong ipahatid ng tinaguriang Lord of scents na si CEO/ …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Netizens kinilig sa post ni Nadine kasama ang BF 

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang kinilig sa ipinost na litrato ni Nadine Lustre sa …