Thursday , January 2 2025
Honey Lacuna Yul Servo Nieto Manila

Maynila, kinilala sa DSWD Social Technology Expo Award Night — Mayor Honey

WALANG patid ang pagbibigay pagkilala sa  lungsod ng Maynila sa ilalim ng pamamahala ni Mayor Honey Lacuna, matapos na tumanggap itong muli ng karangalan mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang lungsod , sa pamamagitan ng Manila Department of Social Welfare (MDSW) sa pamumuno ni Re Fugoso, ay binigyan ng pagkilala  sa katatapos na  DSWD Social Technology Expo Awards Night na ginanap sa Park In by Radisson Hotel noong     December 18, 2024.

Ang tema sa taong ito ay  “Empowerment Evolution: Unleashing Potential Through Innovation”, kinikilala nito ang ‘di matatawarang  ambag ng lahat  stakeholder sa pambansang  pagpapatupad  ng mga development programs ng DSWD tulad ng Tara! Basa Tutoring Program, Walang Gutom Program and Pag- Abot Program.

Pinasalamatan ni Lacuna ang  DSWD sa pagkilala na ayon sa kanya ay sumasalamin sa:   “commitment to innovation and dedication to uplifting the lives of our citizens.”

 “Thank you to the DSWD, our director Re Fugoso and the men and women behind the MDSW who have been working tirelessly to make this recognition possible. Together, we continue to inspire progress and empowerment for a brighter future of the City of Manila,” saad ni  Lacuna.

Sa kanyang parte, sinabi ni Fugoso na ang nasabing pagkilala ay magsisilbing inspirasyon sa kanilang lahat sa  MDSW upang ipagpatuloy ang mas mahusay pang serbisyo para sa mga residente ng Maynila na nangangailangan nito. 

Pinuri din ni Fugoso si Lacuna sa kanyang ‘di matatawarang malasakit sa mga residente ng Maynila, kung saan tinitiyak ng alkalde na makikinabang ang mga ito sa tulong na ibinibigay ng pamahalaang lungsod sa tuwing may mga kalamidad. 

Ayon kay Fugoso, alam ng alkalde kung paano eksaktong hahawakan ang  mabilisang pagtugon sa mga residente kapag may sitwasyon tulad ng sunog at malakihang pagbaha, dahil naging hepe rin ng MDSW ang alkalde bukod pa sa pagiging doktor nito. (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM wraps up 2024 with bears of joy donation and gift-giving to communities in Bulacan

SM malls in Marilao, Baliwag, and Pulilan wrap up 2024 with a heartfelt gift-giving and …

Sa Bulacan 20K TRABAHADOR TARGET NG PRECAST FACTORY

Sa Bulacan  
20K TRABAHADOR TARGET NG AUTOCLAVED AERATED CONCRETE (ACC)

ISINAGAWA ang groundbreaking ceremony ng Philippine High Speed New Materials Company  Inc., sa loob ng …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Sen. Padilla, global experts push medical cannabis for cancer pain management

LEADING global cannabis expert Dr. Shiksha Gallow joined Senator Robinhood “Robin” Padilla in pushing for …

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Honey Lacuna Yul Servo Nieto MMFF Manila

Mayor Honey, VM Yul nanawagan sa publiko na tangkilikin ang MMFF

NANAWAGAN sina Mayor Honey Lacuna and Vice Mayor Yul Servo sa publiko na tangkilikin ang …