Saturday , August 9 2025
MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon para sa 10 pelikula na kalahok sa ika-50 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Sa Disyembre 25 ang umpisa ng film festival. Pito  sa 10 pelikula ang pamilyang Filipino.

Tiniyak ng MTRCB na nabigyan ng angkop na klasipikasyon batay sa umiiral na pamantayan ng ahensiya.

Ang romantic comedy na “My Future You,” ay  rated G at angkop para sa lahat ng manonood.

Ang pelikulang pinagbibidahan ni Vice Ganda na “And the Breadwinner is…” at “Green Bones,” na mula sa panulat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee, ay rated PG.

Ibig sabihin, ang mga batang edad 13 at pababa ay kailangang kasama ang magulang o nakatatanda sa sinehan.

Rated PG din ang mga pelikulang “Espantaho,” na pinagbibidahan ng mga premyadong aktres na sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino; “Hold Me Close,” mula sa panulat at direksiyon ni Jason Paul Laxamana, at pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Julia Barretto; ang action-adventure na “The Kingdom,” kasama sina Bossing Vic Sotto at Piolo Pascual; at ang musical na “Isang Himala,” mula sa direksiyon ni Pepe Diokno at sa panulat nilang dalawa ni Ricky Lee.

R-13, o para lamang sa edad 13 at pataas, ang horror na “Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital,” dahil sa tema, lengguwahe, at ilang eksena na hindi angkop para sa mga batang edad 13 at pababa.

Ang palabas na “Uninvited,” na pinagbibidahan ni Filipino Star for All Seasons Vilma Santos-Recto, Aga Muhlach, at Nadine Lustre ay rated R-16 dahil sa matinding tema at maseselang eksena.

Ang “Topakk,” o mas kilala bilang “Triggered” sa ibang bansa, ay nag-submit ng dalawang bersiyon at tumanggap ng R-16 at R-18.

Taos-pusong nagpasalamat si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa mga pelikulang kalahok ngayong taon.

“Isang pribilehiyo po para sa amin sa MTRCB na makatrabaho ang MMFF para sa pagpapalabas ng mga pelikulang Filipino ngayong Pasko. Ang mga pelikulang ito ay hindi lamang nakapagpapasaya kundi nagpapakita rin ng mayamang kultura at pagkamalikhain natin bilang mga Filipino,” sabi ni Sotto-Antonio.

“Hinihikayat natin ang publiko na suportahan ang ating lokal na pelikula. Ang bawat palabas na ito ay binuo ng mga propesyonal at may pagmamahal. Ang ika-50 edisyon ng MMFF ay sumasalamin sa matatag at pagiging malikhain ng pelikulang Filipino,” dagdag MTRCB chief.

Ngayong ika-5 dekada ng MMFF, nagpasalamat si  Sotto-Antonio sa mga stakeholder para sa hindi matatawarang pagmamahal nila sa industriya ng paglikha.

“Nais naming pasalamatan ang lahat, mula sa producers, direktor, artista, at sa bumubuo ng MMFF para sa kanilang kooperasyon upang mabigyan ng Board ng angkop na klasipikasyon ang 10 pelikula,” sabi ni Sotto-Antonio.

“Tinitiyak namin na ang mga pelikula ay ligtas panoorin ng lahat batay sa angkop na edad habang ini-enjoy ang palabas sa loob ng sinehan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley

Will walang pahinga sa dami ng trabaho

MATABILni John Fontanilla LOADED sa dami ng trabaho ngayon ang ex PBB Collab housemate at Kapuso actor na …

100 Awit Para Kay Stella Bela Padilla JC Santos Kyle Echarri

Kyle tiyak na kaiinisan sa pag-eksena kina JC at Bela

I-FLEXni Jun Nardo UNANG sabak sa Viva movie ng singer-actor na si Kyle Echarri sa pelikulang 100 Awit Para kay …

Marian Rivera boyish

Marian maganda pa rin kahit ginawang lalaki

I-FLEXni Jun Nardo LUTANG pa rin ang ganda ni Marian Rivera sa bagong pictorial para sa isang …

Aiko Melendez Quentin

Aiko nagpasalamat sa pag-share ni Candy kay Quentin

MA at PAni Rommel Placente IBINAHAGI ni Aiko Melendez sa kanyang Facebook ang video clip ng pagsasayaw …

Kyle Echarri Piolo Pascual

Kyle Echarri nagsalita na sa malisyosong tsika sa kanila ni Piolo Pascual: He is like a brother

MA at PAni Rommel Placente NAGSALITA na si Kyle Echarri tungkol sa mga naglalabasang tsismis sa kanila …