Saturday , December 14 2024

Lorna feel na feel pagiging prinsesa 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

SPEAKING of Lorna Tolentino, dahil single nga ito sa ngayon, feel na feel niyang magpaka-prinsesa sa set man o off-cam ng mga ginagawa niya.

Kung may PriManda raw sila ni Lito Lapid sa Batang Quiapo, tiyak daw na may ikokonekta ang iba dahil nga available siya.

Pero hindi talaga ako naghahanap. Kung may darating pa uli sa ganitong estado ko, bahala na si Batman. Nakakikilig lang bilang isang babae at sa edad kong ito ay may mga kagayang treatment pa akong nararanasan. Ang lakas maka-prinsesa,” pahayag ng award-winning actress na isa sa bida sa Espantaho.

Kung last year ay naging jury member si LT sa Metro Manila Film Festival (MMFF), this time ay mukhang mapapalaban siya sa acting category dahil sa role niya bilang nanay ni Judy Ann Santos.

Espesyal ito sa akin in so many ways. Reunion movie namin ito ni direk Chito Rono na nagpakilala rin sa akin sa horror genre dahil sa ‘Patayin sa Sindak si Barbara.’ Tapos may Judy Ann pa, may Chanda Romero na noong 70’s-80’s pa ay kapwa ko na Jess Ejercito angel. May Uge (Eugene Domingo) at marami pang iba. Kaya nga very thankful ako kay Ate Vi (Vilma Santos) na nag-beg off sa role at sa akin napunta,” hirit pa ni LT.

About Ambet Nabus

Check Also

Sylvia Sanchez

Sylvia noon pa ‘nililigawan’ pagpasok sa politika

RATED Rni Rommel Gonzales HALAKHAK ang unang isinagot sa amin ni Sylvia Sanchez nang tanungin kung totoo …

Judy Anne Santos

Judy Ann detox ang sikreto kaya sumeksi

RATED Rni Rommel Gonzales NAKABIBILIB ang dedikasyon ni Judy Ann Santos sa pagpapanatili ng kanyang magandang pangangatawan. …

Atty Joji Alonso Lorna Tolentino Judy Anne Santos Chanda Romero Espantaho

LT pinuri ni Atty Joji, namangha rin kay direk Chito

MA at PAni Rommel Placente ANG Quantum FIlms ni Atty. Joji Alonzo ang producer ng Espantaho, na bida sina Judy Ann …

Gary Valenciano Karen Davila

Gary  kinuwestiyon ang Diyos nang magkasunod na nagkasakit

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Gary Valenciano ni Karen Davila para sa kanyang YouTube channel, nagbahagi siya ng …

Boy Abunda Pia Cayetano

Hidwaan ng mga pamilya, batang magulang, nilutas ng CIA with BA 

“LET’S not lose sight of each other. Dapat visible po ang bawat miyembro ng pamilya …