I-FLEX
ni Jun Nardo
PINAKAMAGASTOS na horror movie na ginawa ng Quantum Films ni Atty. Joji Alonso ang Espantaho. Ito rin ang pinaka-best to date ayon pa sa producer.
Bukod sa entry na sa 2024 Metro Manila Film Festival, ito rin ang offering ng Quantum Films sa 20th year nito sa business.
Magkasama sa unang pagkakataon sina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino sa Espantaho na si Chito Rono ang director.
Hiningan namin ng pahayag si Chito sa pagsasama nina LT at Juday sa horror movie niya.
“It’s really a reunion of a more mature actresses. Kasi nga, mga bata pa kami noon. It was a challenged to work with this old friends who have quite changed as time passed,” message sa amin ni direk Chito.
Sa movie, makikitang muli ang bagsik ni Chito bilang Master Horror Director, huh!