RATED R
ni Rommel Gonzales
PATULOY ang pangunguna ng flagship radio stations ng GMA Network, ang Super Radyo DZBB 594 kHz at Barangay LS 97.1 Forever, sa Mega Manila noong buwan ng Oktubre.
Ayon sa datos mula sa RAM (Radio Audience Measurement) Nielsen, nagtala ng 52.5 percent audience share ang Super Radyo DZBB. Malayo ito sa pumapangalawang DZRH Nationwide 666 na mayroon lamang 27.2 percent audience share.
Umarangkada rin ang Barangay LS 97.1 na may 42.3 percent audience share, kompara sa 90.7 Love Radio na may 17.8 percent audience share.
Patunay lamang ito na sa GMA talaga nakatutok ang maraming Filipino – hindi lamang sa TV at online, pati na rin sa radyo.