Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Uninvited grand launch Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Direk Dan nalula sa nasaksihang launching ng Uninvited — Napaka-nostalgic, heavenly

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MAHIHIRAPAN na sigurong makabog ang naganap na Grand Media Launch ng Uninvited kung ang pag-uusapan ay ang star value, venue, production, theme and attendees, etc..

Sa official poster at trailer pa lang, big winner na ang MMFF entry ng star for all seasons Vilma Santoswith Aga Muhlach, Nadine Lustre, Gabby Padilla, RK Bagatsing, Ketchup Eusebio, Ron Angeles, Gio Alvarez and Tirso Cruz lll. Absent sina Mylene Dizon, Lotlot de Leon, at Elijah Canlas sa event dahil may mga taping at shooting daw that day.

Nakasalubong namin sa lobby si direk Dan Villegas na tuwang-tuwa sa nasasaksihan mga kaganapan at sa maikling tsikahan namin sinabi nitong, “I can feel the required ambiance. Napaka-nostalgic, heavenly.”

Grabe ang reaction ng halos nasa 500 plus audience sa venue nang ipakita na ang official trailer ng Uninvited. Ibang Vilma, kakaibang Nadine at Aga, kakaibang MMFF entry. Nangangamoy box-office at awards, na sadya namang laging “tatak” ng kahit na anong movie ng isang ate Vi.

But the most important of them all ay ang patuloy na pagbibigay ng mataas na respeto at pagpapahalaga sa isang Vilma Santos mula sa lahat, datihan man o mga baguhang nasa industriya.

More on this sa mga susunod na isyu. 

Congratulations Mentorque, direk Dan, Antoinette Jadaone, Irene Villamor, Bryan Diamante, at Warner Bros. na siyang magdi-distribute ng movie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

Marco Gomez Paolo Gumabao Atty Topacio Spring In Prague

Marco Gomez maganda exposure sa pelikulang “Spring In Prague”, Paolo Gumabao saludo sa  produ na si Atty. Topacio 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang exposure ni Marco Gomez sa pelikulang “Spring In …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Love Kryzl

Heart’s In Bloom ni Kryzl inilunsad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAKA-LSS ang bagong inilunsad at ikaanim na single ni Love Kryzl, ang Heart’s …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …