Wednesday , April 9 2025
Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PA
ni Rommel Placente

ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito bilang si Nicole, anak ni Aga Muhlach.

Isang malaking hamon na naman sa acting ni Nadine ang mapabilang sa pelikula na entry sa Metro Manila Film Festival 2024.

Alam naman natin na last year ay siya ang itinanghal na best actress sa MMFF para sa pelikulang Deleter.

This time, bukod kay Aga, makikippagtagisan din siya sa akting kay Vilma Santos,na isa rin sa bida sa Univited.

Ikinuwento ni Nadine sa mediacon ng Uninvited kung paano niya ito agad tinanggap noong in-offer sa kanya.

Ayon sa aktres, nang tawagan siya ng direktor nila na si Dan Villegas, at  ikwento ang synopsis, hindi pa raw tapos ang pag-e-explain sa kanya,  agad siyang napasabi ng, “game na.” 

Lalo na nang nalaman niya na makakasama niya sina Vilma Santos at  Aga. 

Kailan ko ba masasabi na nakatrabaho ko sila (Vilma at Aga) in one film? This is an oppurtunity of a lifetime,” sey niya. 

Kaagad niyang tinanggap ito. Pag- amin naman niya na noong umpisa ng kanilang shooting, pagdating niya sa set ay kabado siya, dahil bigating mga artista nga ang kasama niya. Pero naramdaman niya ang mainit na pagtanggap sa kanya ng lahat ng cast lalo na nina ate Vi at Aga. 

Bukod kina ate Vi at Aga, kasama rin sa pelikula sina Mylene Dizon, Gio Alvarez, Ketchup Eusebio, Gabby Padilla, Ron Angeles at marami pang iba.

About Rommel Placente

Check Also

Sparkle GMA Artist Center Republic Asia iAcademy The Republic of Influence A New Era of Storytelling

Sparkle GMA Artist Center kaisa ng Republic Asia at iAcademy para sa digital transformation

RATED Rni Rommel Gonzales MASAYA ang Sparkle GMA Artist Center na ianusiyo ang kanilang bagong partnership kasama …

Michelle Dee

Michelle Dee nagsilbing inspirasyon sa Bahay ni Kuya

RATED Rni Rommel Gonzales INSPIRASYON ang dala ni Kapuso Beauty Queen Actress Michelle Dee sa mga housemate …

Mga Batang Riles patuloy ang laban at tagumpay gabi-gabi

RATED Rni Rommel Gonzales PAINIT nang painit ang pagtanggap sa Mga Batang Riles matapos makakuha ng 9.3 …

Alden Richards Lights Camera Run

Alden may fitness advice para sa fans

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY na nagiging inspirasyon sa marami ang Asia’s Multimedia Star na …

Jerald Napoles Kim Molina Un-Ex You

Kim ‘di maitago kinikilig kapag kaeksena si Jerald

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Kim Molina na kinikilig pa rin siya kapag kaeksena o kasama …