HARD TALK
ni Pilar Mateo
NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At sa isang pelikulang horror-comedy nga mula sa Indonesia. Sa Kang Mak na idini-distribute ng Viva Films. Mula sa Falcon Films.
Ipinalalabas na ito ngayon sa mga sinehan. At hindi nakakasisi na irekomenda ang may PG-13 ratings ng MTRCB na panoorin.
Base ito sa pelikulang Pee Mak ng Thailand at tinatampukan nina Vino Bastian, Marsha Timothy, Indro Warkop, Tora Sudiro, Indra Jegel, Rigen Rakel, at Andre Taulany na mula sa direksiyon ni Herwin Novianto.
Umiikot ang istorya sa sundalong si Makmur, na sumalang sa giyera at naiwan ang maybahay na si Sari na nagdadalantao. Kasama ang kanyang kapwa mga sundalo na sina Supra, Fajrul, Jaka, at Solah, may pangako sila sa isa’t isa na magiging magkakaibigan sila habambuhay.
Nang bumalik sila mula sa giyera, natuwa sila nang malamang nanganak na si Sari. Pero mapapalitan ng takot ang saya sa kanilang mga matutuklasan tungkol kay Sari. Na isa na palang multo.
Na kailangan nilanv patunayan kay Makmur na napakatindi ng pagmamahal kay Sari.
Si Indro ang itinuturing na pinakasikat na komedyano sa Indonesia. At mag-asawa naman sa tunay na buhay sina Vino at Marsha.
Super naaliw kami sa paghabi ng kuwentong horror at comedy. At sa mensahe ng pelikula sa dulo. Mahuhusay ang mga aktor na nagsiganap.
Na habang pinanonood ko eh, may counterparts ng mga local artist natin ang naiisip ko.
Halakhak to the max at kahit nakatatakot iihitin ka ng tawa sa timing ng pasok ng mga eksena.
Aliw na aliw ang mga nanood sa advanced screening nito kabilang ang mag-partner na sina Phoebe Walker at Rico Robles.
Fourteen years old na pala ang Viva artist na si Elia Ilano nang usisain ko kung pwede ba siyang manood nito. Kasama rin niya ang buong pamilya.
You want to get a good laugh at the cinemas? Then, this is it!
A feel good horror-comedy!
Translated into English Kang Mak is your mom.