I-FLEX
ni Jun Nardo
WRONG choice raw na kinuhang entertainer ang isang female social media influencer (SMI) na lumabas na rin sa pelikula at napapanood sa isang TV series ngayon.
Malakas naman ang following ni SMI sa social media. Pero noong mapanood siya ng isang kaibigan sa isang malaking event sa kanilang probinsiya, dama ang pagkadesmaya ng mga tao sa SMI, huh!
Hindi siya masyadong kilala ng mga tao. Pilit na pilit daw ang pagpalakpak ng tao.
Eh kumanta pa si SMI pero hindi naman maganda ang kanyang boses. At pilit kung magbitiw siya ng spiels na hindi naman tinawanan ng tao.
So ‘yung organizers, hindi na raw kukuha ng sumikat sa social media dahil mas mabuti pa raw ang artista o singer na sanay na sa malaking crowd.