RATED R
ni Rommel Gonzales
KAABANG-ABANG ang line up sa ika-12 edisyon ng QCinema International Film Festival na may temang The Gaze na tampok ang 77 pelikula na kinabibilangan ng 22 shorts at 55 full-length features sa iba’t ibang kategorya.
Sa kauna-unahang pagkakataon, apat na short films na produkto ng Directors’ Factory Philippines, isang omnibus film project na nagsimula sa Cannes Directors’ Fortnight at ipinalabas sa 77th Cannes Film Festival noong Mayo, ang magbubukas ng filmfest.
Ang apat na shorts ay ang Walay Balay, na idinirehe nina Eve Baswel mula sa Pilipinas at Gogularaajan Rajendran mula Malaysia; Nightbirds na pinamahalaan nina Maria Estela Paiso ng Pilipinas at Ashok Vish ng India; Silig nakolaborasyon nina Arvin Belarmino (Pilipinas) at Lomorpich Rithy (aka YoKi) ng Cambodia; at Cold Cut na obra nina Don Eblahan ng Pilipinas at Tan Siyou ng Singapore.
Ang edisyon ng QCinema 2024 ay binubuo ng dalawang main competition sections: ang Asian Next Wave at QCShorts International. Sa taong ito, mas pinaigting ang QCShorts na tampok ang Southeast Asian films kasama ang anim na Filipino short film grantees sa kompetisyon.
Kasama sa line up ng Asian Next ang Don’t Cry Butterfly ni Duong Dieu Linh (Vietnam, Indonesia, Philippines, Singapore), Grand Prize winner sa Venice Critics’ Week; Pierce ni Nelicia Low (Taiwan, Poland, Singapore), Best Director sa katatapos na Karlovy Vary Crystal Globe Competition; at Mistress Dispeller, isang feature documentary ni Elizabeth Lo (China, USA), winner ng NETPACaward for Best Asian Film sa Venice.
Mapapanood din ang Happyend ni Neo Sora (Singapore, UK, USA), Tale of the Land (Indonesia, Philippines, Qatar, Taiwan), winner ng Fipresci Prize sa Busan; Viet and Nam ni Truong Minh Quy(Philippines, Vietnam, Singapore, France, Netherlands, Germany, Italy, USA), na itinampok sa Cannes’ Un Certain Regard; at ang Moneyslapper ni Bor Ocampo (Philippines) na magkakaroon ng world premiere.
Magtutunggali naman sa QCShorts International category ang Alaga ni Nicole Rosacay, Kinakausapni Celso ang Diyos ni Gilb Baldoza, Refrain ni Joseph Dominic Cruz, RAMPAGE! (o ang parada) ni Kukay Bautista Zinampan, Supermassive Heavenly Body ni Sam Villa-Real, at Water Sports ni Whammy Alcazaren.
Ang Southeast Asian contenders naman ay kinabibilangan ng Are We Still Friends? ni Al Ridwan(Indonesia); Here We Are ni Chanasorn Chaikitiporn (Thailand), In the Name of Love I Will Punish You ni Exsell Rabbani (Indonesia); Peaceland ni Ekin Kee Charles (Malaysia); Saigon Kiss ni Hồng Anh Nguyễn (Vietnam/Australia/Germany), at Locarno-winning film na WAShhh ni Mickey Lai(Malaysia/Ireland).
Tatlo namang Cannes Queer Palm nominees ang mapapanood sa LGBTQA+ section na Rainbow QC: ang Baby ni Marcelo Caetano, The Balconettes ni Noémie Merlant,at My Sunshine ni Hiroshi Okuyama. Ang dalawa pang kukompleto ng line up ay ang Pooja, Sir ni Deepak Rauniyar mula sa Venice Orizzonti, at Sebastian ni Mikko Mäkelä na naging kalahok sa Sundance World Dramatic Competition.
Sa New Horizons section naman ay ‘di dapat kaligtaan ang Blue Sun Palace ni Constance Tsang, Cu Li Never Cries ni Phạm Ngọc Lân, na nanalong Best First Feature sa Berlin; Santosh ni Sandhya Suri (UK’s entry for Best International Feature Film at the 97th Academy Awards) The Major Tones ni Ingrid Pokropek, at Toxic ni Saulė Bliuvaitė, (Locarno Golden Leopard awardee.)
Tampok din sa Screen International ang Afternoons of Solitude ni Albert Serra, When Fall is Comingni François Ozon, All We Imagine as Light ni Payal Kapadia, Grand Tour ni Miguel Gomes, (Portugal’s entry for the 97th Academy Awards); Critics’ Week section Grand Prize winner, Simon of the Mountain ni Federico Luis; at Palme d’Or winner, Anora ni Sean Baker.
First time ring mapapanood sa bansa ang Phantosmia ni Lav Diaz ; The End ni Joshua Oppenheimer; The Count of Monte Cristo nina Alexandre de la Patellièr at Matthieu Delaporte, at ang Venice Golden Lion winner na The Room Next Door ni Pedro Almodóvar.
Apat pang sections ang ilulunsad ngayong taon, ang QCLokal, Rediscovery, Contemporary Italian Cinema at QCinema Selects.
Tampok sa QCLokal section ang Room in a Crowd ni John Torres at Makamisa: Phantasm of Revenge ni Khavn.
Ipalalabas din sa Shorts Expo, ang Brownout Capital ni Pabelle Manikan, Forgetting Clara ni Nicole Matti, May Puso ba ang Manika? ni Shiri de Leon, Objects Do Not Randomly Fall from the Sky ni Maria Estela Paiso, Yung Huling Swimming Reunion Before Life Happens ni Glenn Barit, at ang Southeast Asian premiere ng Invisible Labor ni Joanne Cesario.
Kasama sa Rediscovery section ang Delicatessen nina Jean-Pierre Jeunet at Marc Caro; Dogtoothni Yorgos Lanthimos, at Ran ni Akira Kurosawa.
Tampok naman sa Contemporary Italian Cinema ang Diabolik nina Antonio at Marco Manetti, Io Capirano ni Matteo Garrone, Kidnapped :The Abduction of Edgardo Mortara ni Marco Bellocchio, My Summer with Irene ni Carlo Sironi, La Chimera ni Alice Rohrwacher at Palazzina Laf ni Michele Riondino.
Napili naman sa QCinema Selects ang Ghost Cat Anzunina Yoko Kuno at Nobuhiro Yamashita, No Other Land nina Rachel Szor, Yuval Abraham, Hamdan Ballal, at Basel Adra, Shahid ni Narges Kalhor; Sujo nina Fernanda Valadez at Astrid Rondero, The Sparrow In The Chimney ni Ramon Zürcher, at Twilight Of The Warriors: Walled In ni Soi Cheang.
Sa Before Midnight section naman ay kaabang-abang ang Motel Destino ni Karim Aïnouz, Gazer ni Ryan J. Sloan, Infinite Summer ni Miguel Llansó, A Samurai in Time ni Junichi Yasuda, at The Wailing ni Pedro Martin-Calderon.
Tampok naman sa Special Screenings section ang An Errand ni Dominic Baekart, If My Lover Were a Flower ni Kaung Zan, A Thousand Forests ni Hanz Florentino, at Lost Sabungeros ni Bryan Brazil.
Ang QCinema 12 na gaganapin mula Nobyembre 8 hanggang 17 ay mapapanood sa mga piling sinehan tulad ng Gateway Cineplex 18, Ayala Malls Cinema sa Trinoma, Red Carpet sa Shangri-la Plaza, at Powerplant Mall.