MATABIL
ni John Fontanilla
MAGKAHALONG kaba at saya ang nararamdaman ng singer/actor na si John Arcenas sa pagbibida sa pelikula ng buhay ni April ” Boy ” Regino.
Masaya si John dahil siya ang napili sa dami ng nag-audition kaya naman sobra-sobra ang kaba niya dahil ito ang kauna-unahan niyang pagbibida sa pelikula.
Sana nga raw ay magustuhan ng mga manonood ang kanilang pelikula.
Nalungkot daw si John dahil hindi napili sa 2024 MMFF ang Idol: The April Boy Regino Story,l kaya naman mas maaga itong mapapanood sa mga sinehan.
Ayon kay John, “Nalungkot kami noong una na hindi nakapasok sa MMFF ang movie, pero ipinasasa-Diyos na lang namin.
” Ang mas maganda, mas napaaga ang showing nito.”