Saturday , April 12 2025
Philippines Plane

Local airlines may paalala sa mga pasahero sa panahon ng Undas

NAGPAALALA ang Philippine Airlines, Cebu Pacific at AirAsia Philippines sa mga pasaherong nagbabalak na bumiyahe sa nalalapit na Undas na maglaan ng sapat na oras bago ang kanilang flight.

Inaasahan ng local airlines ang malaking bulto ng mga pasaherong magbibiyahe sa pamamagitan ng eroplano mula at patungo, sa mga probinsiya sa darating na holiday season bago at pagkatapos ng 1 at 2 Nobyembre.

Mahalaga aniya ang paalala sa mga pasahero para tulungan silang maghanda at magplano para sa isang maayos na paglalakbay sa panahon ng Undas.

Kailangan tiyakin ang flight schedule bago magtungo ng airport, mag-check-in online, at tiyakin ang itinakdang free check-in luggage upang maiwasan ang karagdagang charges sa bagahe.

Maagang umalis ng bahay papunta sa paliparan nang hindi bababa sa tatlong oras para sa domestic flight at apat na oras naman para sa international flights.

Samantala, ipinahayag ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX)  sa mga biyahero ang paalala ngayong Undas 2024.

Sa pahayag ng PITX, dapat magtungo nang maaga ang mga pasahero sa terminal para suriin ang schedule ng kanilang mga sasakyang bus.

Inaasahan ng PITX na aabot sa 2.4 milyong biyahero ang dadagsa ngayong araw hanggang sa 5 Nobyembre.

Tiniyak ng naturang terminal ang kanilang  kahandaan para sa nasabing aktibidad at nakipag- ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahlaan para matiyak ang seguridad at kaligtasan ng bawat isa. (NA)

About Niño Aclan

Check Also

No Firearms No Gun

Apat na sundalo na may tatargetin tiklo sa gun ban

APAT na aktibong sundalo ang inaresto sa San Simon, Pampanga, dahil sa paglabag sa Republic …

cal 38 revolver gun

Dalawang motornapper arestado; kalibre .38  nakumpiska

NAARESTO ang dalawang lalaking tirador ng motorsiklo na nagbabalak na namang umatake sa Santa Maria, …

Kerwin Espinosa

Self-confessed drug lord Kerwin Espinosa na tumatakbong alkalde sugatan sa pamamaril

ANG SELF-CONFESSED drug lord na si Kerwin Espinosa, na kasalukuyang tumatakbo sa pagka-alkalde ng Albuera, …

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

Hepe ng BENRO kinilala ang papel ng mga kawani sa tagumpay ng tanggapan

SA LAYUNIN na itaas ang moral ng mga empleyado at kilalanin ang kanilang mahalagang kontribusyon …

PRC LET

Specialized Licensure Examinations tugon sa Teacher-Subject Mismatch

IKINATUWA ni Senador Win Gatchalian ang paglagda ng isang joint memorandum circular sa pagitan ng …