Friday , November 22 2024
Vivamax VMX 12M Subs

12 million subscribers, mega milestone ng VMX 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

HATAW to the max ang VMX, na sa ngayon ay mayroon ng 12 million subscribers. Na siyempre pa, walang-dudang isa itong mega milestone.

Incidentally, ang VMX ay kilala noon bilang Vivamax.

Anyway, ang streaming platform na ginulat ang mundo at nagpainit sa maraming manonood ay may bagong naabot na milestone. Ang VMX ngayon ay may 12 million subscribers na! Sa ilang taon na pagpo-produce ng dating Vivamax ng mga exciting at kontrobersiyal na mga istorya, marami na itong nahikayat na mga audience. Tinupad rin ng platform ang pangakong mag-release ng mga kaabang-abang na content linggo-linggo at patuloy na mag-entertain sa mahabang listahan nila ng mga nakaiintrigang original movies.

Samahan ang VMX na i-celebrate ang 12 million subscribers achievement nito at kung paano nito binago ang industriya at ang viewing habits ng milyon-milyong tao saan man sa mundo. Makisaya sa success na ito dahil marami itong inihandang sorpresa sa lahat ng tagasuporta. Una ay ang pagkakaroon nito ng bagong logo. Vivamax is now “VMX.” Ang logo na ito ay may bagong itsura at bagong statement pero nanatili pa rin ang brand identity na kilalang-kilala na ng marami.

Isa pang dapat na i-celebrate ngayong 2024 ay ang bukod sa pamamayagpag ng VMX sa streaming, narating na rin nito ang big screen at nag-entertain ng mga manonood sa sinehan. Ang first-ever cinema release ng VMX na Unang Tikim, na pelikula ni Roman Perez, Jr., at pinagbidahan nina Robb Guinto, Matt Francisco at Angeli Khang, mapapanood sa VMX at available na for streaming ngayong November.

Ang VMX ay magkakaroon muli ng theatrical release mula naman sa direksiyon ni McArthur C. Alejandre, ang Celestina: Burlesk Dancer. Isang pelikula na naka-set sa 1940s, ang Celestina: Burlesk Dancer ay tungkol sa isang babae na naging burlesque dancer para suportahan ang kanyang anak matapos nilang iwan ang mapagmalupit nitong asawa. Ang Celestina: Burlesk Dancer ay nakatakdang maipalabas sa huling buwan ng taon.

Hindi rin magpapapigil ang VMX sa linggo-linggong pagre-release ng mga pelikula. Noong nakaraang Setyembre, anim na bagong pelikula ang naging available sa platform, F–Buddies (Denise Esteban, Candy Veloso, Calvin Reyes, Mon Mendoza), Throuple (Sahara Bernales, Audrey Avila, Arah Alonzo, Aerol Carmelo), Uhaw (Angeli Khang, Ataska Mercado, Itan Rosales), Paluwagan (Micaella Raz, Sheina Yu, Victor Relosa, Chad Solano), Pilya (Dyessa Garcia, Cess Garcia, Dani Yoshida, Chester Grecia), at Kiskisan (Robb Guinto, Skye Gonzaga, Apple Dy, Juan Paolo Calma).  

Sa mga natitirang buwan ng taon, patuloy ang VMX sa pagpo-produce ng mga pelikulang ikaliligaya ng mga manonood. Ngayong Oktubre, napanood natin ang Salsa ni L (Christine Bermas, Sean De Guzman, Jeffrey Hidalgo), Tahong (Candy Veloso, Salome Salvi, John Mark Marcia, Emil Sandoval) at Tatsulok (Mariane Saint, Skye Gonzaga, John Mark Marcia). Apat na bagong pelikula pa ang magpe-premiere – Undergrads (Rica Gonzales, Athena Red, Van Allen Ong), Halinghing (Aiko Garcia, Jenn Rosa, Josef Elizalde), Krista (Cess Garcia, Zsara Laxamana, Karl Aquino, JD Aguas), at Donselya (Dyessa Garcia, Arnold Reyes, Anthony Davao, Chloe Jenna, Vern Kaye). 

Sa Nobyembre, ipalalabas naman ang Baligtaran (Apple Dy, Skye Gonzaga, Calvin Reyes), Ungol (Audrey Avila, Stephanie Raz, Chad Solano, Ghion Espinosa), Kabitan (Alessandra Cruz, Athena Red, Chester Grecia, Juan Paulo Calma), Maryang Palad (Sahara Bernales, Vince Rillon), Pukpok, (Allison Smith, Arah Alonzo, Mon Mendoza, Rash Flores, Seon Woo Kim) at Boss Ma’am (Jenn Rosa, Vern Kaye, Aerol Carmelo).

At sa huling buwan ng 2024, abangan ang Silip (Rica Gonzales), Pin/Ya (Angelica Hart, Candy Veloso, Julian Richard), Forbidden Desire (Aiko Garcia, Vern Kaye, Josef Elizalde), Lamas (Ataska, Christy Imperial, Mark Anthony Fernandez), Secret Sessions (Alessandra Cruz, Nico Locco), Stepmother Story (Sahara Bernales, Stephanie Raz, Victor Relosa, Josh Ivan Morales at Boy Kaldag (Benz Sangalang, Dyessa Garcia, Azi Acosta, Angeli Khang). Pakaabangan din ang extra special content hatid sa atin nina Salome Salvi at Apple Dy –  VMX Top 10.

Tuloy-tuloy din ang VMX sa goal nitong global at planong mas mapalawak pa ang maabot na audience, hindi lang mga Filipino na nasa abroad, pati na rin ang ibang lahi. Ang mga VMX movies tulad ng Adan, Housemaid, at iba pa ay magkakaroon na ng localized release sa Japan. Maaari nang panoorin ang mga pelikulang ito na may Japanese subtitles o kaya ay Japanese dubbed version.

Ngayon, may pagkakataon na ang lahat na maging next big VMX Star! Maghanda na para sa spotlight at sumali sa VMX talent search. Isang kompetisyon para sa mga dalagang edad 18 hanggang 21, layunin ng talent search na ito na mahanap ang star in the making na handang sumabak sa mature roles at bumida sa maraming pelikula ng VMX. Baka ito na ang role of a lifetime na hinihintay mo. Abangan ang mga detalye at dates para sa submission of entries!

Mas palalawakin pa ng VMX ang kanilang audience sa paggawa ng mga kaabang-abang na events na bibida ang ganda, talento at creativity. Sumali na, makisaya at ma-entertain sa Film Festival ng VMX at sa Project X: VMX Fashion Show.

Ang VMX Film Festival ay magsho-showcase ng mga pelikulang tatak VMX at ito ay sa direksiyon ng filmmakers na first time gagawa sa VMX. Layunin ng film festival na ito na mas makakonekta pa sa mga audience sa lahat ng kasarian at makapagbigay ng oportunidad para sa mga may angking talent sa paggawa ng mga kapana-panabik at worth-watching na stories. Para sa mga gustong sumali, mag-abang lang sa mga magiging detalye sa social media pages ng VMX.

About Nonie Nicasio

Check Also

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

24 Oras

Award-winning flagship newscast ng GMA pinaka-pinagkakatiwalaan pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …