Thursday , June 4 2026
shot from a handgun with fire and smoke

Magsasaka itinumba sa harap ng mag-ina

BUMULAGTA ang isang magsasaka matapos barilin ng hindi kilalang mga suspek sa harap ng kaniyang mag-ina sa Sitio Huwebesan, Brgy. Marcelo, sa bayan ng Calatrava, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Miyerkoles ng umaga, 16 Oktubre.

Ayon sa ulat na natanggap ni P/Maj. Wilfredo Benoman, Jr., hepe ng Calatrava MPS, naglalakad ang biktimang kinilalang si Danny Brazona, 54 anyos, kasama ang kinakasama at kanilang 7-anyos anak na lalaki upang ihatid sa paaralan nang harangin sila ng mga armadong lalaki saka siya pinagbabaril at mabilis na nagsitakas.

Agad namatay si Brazona dahil sa mga tama ng bala ng baril sa kaniyang katawan habang nakaligtas ang kaniyang mag-ina.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at ang motibo sa likod ng krimen.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …