Friday , June 26 2026
Knife Blood

Negosyanteng bebot naningil ng pautang tinodas ng tarak sa dibdib

PATAY ang isang 42-anyos negosyanteng babae nang saksakin ng kanyang sinisingil sa Sitio Stella Maris,  Brgy. Bagong Bayan, sa bayan ng Mauban, lalawigan ng Quezon, nitong Martes ng hapon, 15 Oktubre.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagtungo ang biktimang kinilalang si Michelle Rajarillo, sa bahay ng suspek na kinilalang si alyas Arlene, 45 anyos, upang makipag-usap tungkol sa utang ng huli.

Ilang minuto ang nakalipas, lumabas ang biktima mula sa bahay ng suspek na may saksak sa kaniyang dibdib.

Agad tumakas si alyas Arlene habang dinala sa pagamutan si Rajarillo kung saan siya idineklarang wala nang buhay.

Nagkasa ang pulisya ng manhunt operation laban sa suspek na posibleng maharap sa kasong homicide o murder.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

San Jose National High School Tacloban Gun Shooting 2

Magulang, guardian posibleng managot sa Tacloban shooting

BINIGYANG-DIIN ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na posibleng managot ang mga magulang …

San Jose National High School Tacloban Gun Shooting

14-anyos shooter sa Tacloban dumalo sa flag ceremony, saka nagtago sa CR ng iskul

ISA sa mga suspek sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban ay …

062526 Hataw Frontpage

3 BILANG NG MURDER, ATBP KASO ISINAMPA VS 15-ANYOS SHOOTER
14-anyos ‘lusot’ sa criminal liability

HATAW News Team PATONG-PATONG na reklamo ang inihain laban sa 15-anyos estudyanteng sangkot sa pamamaril …

CICC GoreBox

Sa naganap na pamamaril sa eskuwelahan sa Tacloban
APPS NG GAMING NA GOREBOX, IPINAGBAWAL NG CICC

PANSAMANTALANG ipinagbawal ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang application ng gaming na GoreBox …

Pagkakaisa ng mga Magtatahong sa Bacoor PAMABA

Sa maliit na kita sa masamang panahon 
MAGTATAHONG HINILING, BAYARIN BAWASAN SA PANAHON NG BAGYO

ni TEDDY BRUL BACOOR, Cavite — Pormal na nanawagan ang mga lider ng Pagkakaisa ng …