MA at PA
ni Rommel Placente
SA guesting ni Marian Rivera sa Fast Talk With Boy Abunda, inamin ng aktres na hindi niya kaya at hindi niya iniisip na mawala si Dingdong Dantes sa buhay niya.
“Hindi at ayoko siyang isipin. The mere fact na pinakasalan ko siya, roon pa lang, sumumpa na ako sa Panginoon na hindi ko kayang mawala siya. Isa siya sa nag-impluwensiya sa akin kung paano pa mas maging mabuting tao para sa iba, at para sa sarili ko,” sabi ni Marian.
Patuloy niya, “Isa siya sa nag-guide sa akin na ang mundo ay ganito, ang buhay ay ganito. Noong hindi pa kami mag-asawa, malaki na ang impluwensiya niya sa akin, what more ngayong mag-asawa na kami. Ang dami kong natutunan sa kanya!” seryosong sabi pa ni Marian.