MA at PA
ni Rommel Placente
ANG daming isyung ibinabato ngayon sa It’s Showtime at mga host nito.
Kamakailan, napabalitang nabuntis daw ni Ion Perez si Jackie Gonzaga, na talent ng misis niyang si Vice Ganda. Pero ayon nga kay Jackie, wala itong katotohanan.
May intriga rin na hanggang December na lang ng taong ito mapapanood ang It’s Showtime sa GMA 7.
Naniniwala ang TV host-comedian na si Vice, na may gustong sumabotahe para pabagsakin sila at ang kanIlang noontime show.
Malakas ang pakiramdam niyang gawa-gawa ng trolls ang mga isyu sa kanila para sila ay siraan at unti-unting pabagsakin.
Sabi ni Vice, “Well, there really was or there really is a demolition job against ‘It’s Showtime.’
“Pero hindi naman natin sasabihin kung kanino nanggagaling ‘yun. ‘Yung ginagawa sa social media, demolition job ‘yun, hindi ba?
“Yung mga troll, demolition job ‘yun, eh. Mayroon silang masamang intensiyon at balak kaya demolition job ‘yun.
“Maaaring kami ay may kakayahan o nasa isang posisyon na gustong maranasan at makuha rin ng iba.
“At para makuha nila ‘yun, kailangan nilang subukan ‘yung ganoong ruta. Kailangan nating gumawa ng ganoong paraan baka sakaling mabasag at makuha natin kung anong mayroon sa kanila.”
Sa lahat ng ibinabatong batikos at fake news sa kanilang programa at mga host, may isa raw na ipinagpapasalamat si Vice.
Ito ay ang patuloy na pagbibigay-tiwala ng ABS-CBN sa kanila at ang pagmamahal at suporta ng kanilang fans.
“Ang maganda kasi, we are surrounded by great people, wonderful management, alam na alam nila kung paano kami tutulungan, i-guide, at itatayo.”
Malaking bagay rin daw na sa lahat ng oras ay magkakasama silang hosts na lumalaban at inaalalayan ang bawat isa.
“Kaming lahat, sa dami ng pinagdaanan namin, I believe that our team is strong enough to be able to battle all these negativities, all these challenges and threats together.
“It will be hard kung hindi kami magkakasama. Kaya ‘yun ang lagi naming pinananatili at itinatawid.
“Kailangan magkakasama tayo, kasi kung isa-isa lang, manghihina tayo at baka hindi tayo magtagumpay.
“That is the essence of the strength of this team. We are one, together, against and for everything.”