Monday , October 14 2024
Cedrick Juan Zion Cruz

Cedrick at Zion Cruz maghahatid kakaibang husay sa pag-arte

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MULING naka-iskor si Cedrick Juan dahil tinatangkilik ang family drama na kina-aaniban niya. Ang tinutukoy namin ay ang Ang Himala ni Niño sa TV5 na talaga namang kuhang-kuha ng kuwento ang puso ng mga manonood, lalo na dahil sa husay ng batang bida nitong si Zion Cruz.

Inaabangan ang pagpasok ng award-winning actor na si Cedrick sa susunod na linggo. Kaya naman tiyak na magdadala ng panibagong emosyon at excitement ang tambalan nina Cedrick at Zion sa seryeng sinusubaybayan ng maraming manonood araw-araw.

Si Zion ay isang homegrown talent ng MQuest Artist Agency (MQAA) na gumaganap bilang si Niño. Sa kabila ng batang edad, mahusay siyang nakikipagsabayan sa mga magagaling na artistang kasama niya sa serye. 

Sa pagpasok naman sa serye ng multi-awarded Best Actor na si Cedrick bilang Kuya Victor, bibigyang buhay niya ang karakter na magkakaroon ng impluwensiya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kilala sa kanyang mga critically acclaimed roles, inaasahan ang mahusay na pagganap ni Cedrick sa mga eksenang tatatak sa puso ng mga manonood.

Kasama rin sa Ang Himala Ni Niño ang mga batang artistang sina Ryrie Sophia bilang Kring-Kring, Kenneth Mendoza bilang Butchoy, at Achilles Ador bilang Joco. Sila ang mga bagong talents ng TV5 na nagbibigay saya at puso sa kuwento.

Abangan din sa mga darating na linggo ang pagharap ni Niño sa mabigat na pagsubok ng pag-iwan sa kanya ng ina. Dahil dito, ang samahan nila Kring-Kring, Butchoy, at Joco ay magiging mas matibay at magdadala ng pag-asa at suporta kay Niño.  Ang kanilang pagkakaibigan ay maghahatid ng mas malalim pang emosyon sa kuwento ng serye. Sa gabay ng mga seasoned actors tulad nina K Brosas at Freddie Webb, mas nahuhubog pa ang mga batang ito bilang magagaling na artista ng bagong henerasyon.

Huwag palampasin ang pagdating ni Cedrick sa Ang Himala ni Niño, mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m. sa TV5. Abangan ang kahanga-hangang kuwentong ito at ang mahusay na pagganap ni Zion.

About hataw tabloid

Check Also

Maymay Entrata Donny Pangilinan Belle Mariano

DonBelle fans umalma sa pag-uugnay kina Donny at Maymay

MA at PAni Rommel Placente DAHIL sa madalas magkasama sa ASAP Natin To, at madalas pang magkasmaa …

Julie Anne San Jose Church 2

Julie Anne humingi ng sorry, GMA Sparkle inako ang responsibilidad

MA at PAni Rommel Placente ISA si Julie Anne San Jose sa nag-perform sa isang benefit concert …

Dustin Yu Lovi Poe Jameson Blake JM de Guzman

Dustin Yu nailang kay Lovi

I-FLEXni Jun Nardo ILANG noong una ang Regal Baby na si Dustin Yu kay Lovi Poe na kasama niya …

Celeste Cortesi Viva

Celeste nilayasan Sparkle lumipat sa VAA

I-FLEXni Jun Nardo ANG Viva Artist Agency (VAA) ang namamahala sa showbiz career ng beauty queen na …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male star aasa sa tulong ni gay friend sa pagpasok sa politika

ni Ed de Leon KAYA pala nag-file ng COC ang isang male star ang akala niya ay …