PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador nitong si Maine Mendoza na dahil laking probinsiya rin siya, nakagisnan at pamilyar siya sa konsepto ng “perya.”
Pinoy perya nga with a twist and innovation ang peg ng Pinoy Drop Ball, ang platform for digital entertainment na bonggang-bonggang inilunsad kasabay ng mga popular na line up gaya ng Bingo, Tongits, at Perya Games.
Dahil sa mas moderno na ang panahon, nag-evolve na rin ang drop ball batay sa mga Pinoy games na ating nakagisnan gaya rin ng bingo mega, color game, at papula paputi.
Ang pinaka-exciting part dito ay ang pagkakaroon ng chance to win big multipliers from 2x payout to 3x payout under 15 slots (10, 50, 100, 200) at dahil naka-stream live ito ng 23/7, basta may gadget ay keri mong sumali, makapaglaro at manalo.
Sey nga ni Maine, “Part na po ng ating culture and tradition ang mga game na ganyan. Basta importanteng sa paglilibang natin ay masaya lang tayo. Let’s be a responsible gamer. Balanse ang saya sa pagtaya,” sey ni Maine na aminadong marunong mag-bingo at mag-tongits hahaha.