Thursday , June 4 2026
Emi Calixto-Rubiano Mark Tolentino Raymond Apacible Aragon WPS Movie

WPS series gagamitan ng state of the art techniques

HARD TALK
ni Pilar Mateo

KUNG may ilalarawang sobrang sipag na producer sa kasalukuyan, na may matinding mga adbokasiya para sa bayan, pangalanan natin siya bilang si Doc Raymond Apacible Aragon.

Dahil kahit nag-abala siya sa paggawa ng teleserye at pelikula, nabibigyang-panahon pa rin  niya ang mga bagay na para sa kapakanan ng bayan.

Kamakailan, nagtungo ito sa tanggapan ng butihing Alkalde ng Pasay na si Mayor Emi Calixto-Rubiano, kasama si Atty. Mark Tolentino (Anti-Fake News Task Force KSMBPI) na layuning gawing pormal ang public-private partnership ng Pasay City LGU at ang social media watchdog ng Kapisanan ng Social Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) sa paggawa ng multi-sector Pasay City Anti-Fake News Task Forxe (PC–AFN-TF).

At pagkatapos ay sumegwey na sila sa pictorial at interviews ng kanyang mga artista sa sinimulan niyang proyektong West Philippine Sea.

Ang excited sa pagsasama sa kauna-unahang proyekto nila, ang magkapatid na Rannie at Lance Raymundo. Kasama ang ipinakikilalang si Jacqy Raj na gaganap sa role as Shiela.

Kaya natutuwa si Doc na dahil nga sa sidhi rin ng kanyang mga artistang mapabilang sa proyekto ng libre. Oo may honorarium naman sila pero hindi nagpresyo ito bilang pagkilala at pagtitiwala nila sa nilalayon ng serye na maibahagi sa mga manonood.

In  full swing na ang shoot ng WPS na gagamitan ng state of the art techniques ng director, DOP, editor ng pelikula ang mga eksena.

Milyones ang gagastusin ni Doc. At ang tanong nga sa kanya ay kung saan manggagaling?

Simple nga lang daw. Sa mga naniniwala sa pribado man o publikong sektor na mag-aambag sa kanyang ipinaglalaban.

Sa mga artista pa lang gaya nina Rannie at Lance, kasama pa sina AJ Raval, Ayanna Misola, Daiana Menezes, at Ali Forbes na mas naiintindihan na ang gustong tahakin ng serye, proud sila na maging instrumento sa ipamamalas ng istorya ng WPS.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …