Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward Kim Ji-Soo

Kapuso Oppa Kim Ji-Soo at Jillian Ward wagi ang chemistry

RATED R
ni Rommel Gonzales

SUNOD-SUNOD ang acting projects ni Kim Ji-Soo matapos pumirma bilang Sparkle artist.

Unang napanood ang Kapuso Oppa sa GMA Network action drama series na Black Rider na marami ang bumilib sa pagganap bilang Adrian Park. Naging Red Carpet Scene Stealer Awardee rin siya sa GMA Gala 2024. Malapit na ring ipalabas ang kanyang kauna-unahang Filipino movie na Mujigaekasama sina Rufa Mae Quinto, Alexa Ilacad, Lito Pimentel at marami pang iba.

Hindi lang sa TV at pelikula makikita si Kim Ji-Soo dahil kamakailan ay inilabas na ang ilang episode ng kaniyang YouTube vlog na Jisoo Road at naging active rin siya sa TikTok para mas lalo pang mapalapit sa kanyang fans. 

Dahil sa init ng suporta ng fans sa Kapuso Oppa ay ipinagpapatuloy niya ang career sa bansa sa kabila ng mga isyung hinarap niya simula pa noong 2021. Paglilinaw ng South Korean actor, nakausap at nakipag-ayos na siya sa mga taong involved sa school violence issue habang wala namang katotohanan ang alegasyong sexual assault.

Nananatiling focused at determinado si Kim Ji-Soo sa kanyang career at nagpapasalamat siya sa kanyang fans. Aniya, “I am truly grateful for the opportunities I’ve had here. The support from my Filipino fans has been overwhelming, and there is so much more I want to accomplish.”

Kinakikiligan naman ngayon ang tambalan nila ni Kapuso actress Jillian Ward nang mapabilang siya sa top-rating GMA Afternoon Prime series na Abot-Kamay Na Pangarap bilang si Doc Kim Young. 

Kamakailan ay ibinahagi ng Korean actor na mas relax at komportable na siya sa set sa tulong na rin ni Jillian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …