Saturday , February 14 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robb Guinto Kiskisan

Robb Guinto hindi magpapa-alam sa Vivamax, magpapa-init sa pelikulang Kiskisan

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ng sexy actress na si Robb Guinto na patuloy siyang magsasabog ng alindog sa Vivamax.

Nagkaroon kasi ng pahayag earlier ang isa pang sexy actress na si Christine Bermas at sinabing titigil na siya sa paggawa sa Vivamax at last sexy movie na niya ang Salsa Ni L.

Esplika ni Robb, “Sa ngayon parang hindi ko pa nakikita iyong sarili ko na magpapaalam na rin sa Vivamax. Kasi kahit paano, malaki ang utang na loob ko sa Vivamax, kasi sila ang naging daan kung bakit ako nakarating kung nasaan man ako ngayon.

“Kaya hanggang ngayon naman ay sobrang thankful ako sa Vivamax, open pa rin ang door ko for Vivamax. Pero siyempre, roon na rin tayo sa medyo maganda ang istorya, ganoon po.”

Pahabol pa niya, “Yes po, namimili na rin po ako ng project at hindi po ako magpapa-alam, mahal ko po ang Vivamax.”

Nilinaw din ni Robb na kung may pagkakataon, gusto rin niyang makatawid mula sa paggawa ng sexy films.

Aniya, “Hindi naman po sa mas gusto kong gumawa, I mean, open pa rin po akong gumawa ng pelikuka para sa Vivamax. Pero siyempre, mas gugustuhin ko pa rin naman po talaga na makatawid na. Pero hindi naman po ako nagko-close ng door ko for Vivamax.”

Anyway, tampok si Robb sa pelikulang Kiskisan at nabanggit niya kung gaano ito ka-sexy.

“Mas marami silang makikitang sexy scenes dito sa Kiskisan. Well,  marami silang aabangan dito… mahirap kasing mag-spoil, e. Kaya iyon na lang siguro muna iyong abangan nila.

“Masasabi ko na sobrang daring ang ginawa naming lahat sa pelikulang ito, pero nandoon rin iyong may pagka-funny rin, hahaha! So abangan po nila,” nakangiting wika pa ng sexy actress.

Ang ‘Kiskisan’ ay isang sexy-drama movie na pinagbibidahan nina Robb, Apple Dy, Skye Gonzaga, at Juan Paulo Calma. Mapapanood ito exclusively sa Vivamax ngayong September 27, 2024. 

Pelikula ni Direk Bobby Bonifacio Jr., ang ‘Kiskisan’ ay kuwento ng dalawang magkapatid na lumaki sa bukid na nagkahiwalay at muling magkikita matapos ang ilang taon. Babawi sila ngayon ng oras para sa isa’t isa at ipakikilala na rin ang mga bagong tao sa buhay nila.

Sina Adele (Robb) at Bea (Apple) ay lumaki sa sakahan at kiskisan. Pinalaki sila ng konserbatibo at istrikto nilang tiyahin na si Luring.

Dahil may mga kanya–kanyang pangarap at ambisyon, magkakahiwalay ng landas ang magkapatid, mananatili si Adele sa kanilang lugar at si Bea, na mas matapang sa kapatid niya, ay aalis at magpupunta sa Maynila.  

Muli silang magkikita matapos malaman na buntis si Adele at nakatakdang ikasal sa boyfriend niyang si Rener (Calma), na nagtatrabaho naman sa kiskisan bilang machine operator. Ayaw ng Tita Luring nila kay Rener noong una, pero mas ayaw nitong ipanganak ang bata na hindi kasal sina Adele at Rener.

Uuwi si Bea para sa paghahanda sa kasal, kasama nito ang girlfriend na si Cheska (Skye). Sa pag-uwi nila, mas magiging komplikado ang mga sitwasyon dahil agad na maaakit sa isa’t-isa sina Rener at Cheska, at ang pagnanasa nilang ito ay mauuwi sa mga patakas at mapusok na pagkikita sa kiskisan.

Anong gagawin nina Adele at Bea kapag nalaman nila ang ginagawa ng mga karelasyon nila? Paano ito makakaapekto sa kasal at sa relasyon nilang magkapatid?

Alamin ang kanilang kuwento at panoorin ang ‘Kiskisan’ sa Vivamax, ngayong September 27, 2024.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Debbie Lopez Ariel Daluraya

Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang katatapos na Kapuso Foundation Sagip Dugtong Buhay Bloodletting na ginanap noong February …

Nadine Lustre Leni Robredo

Nadine muling susuportahan si Leni sakaling tatakbong pangulo

MATABILni John Fontanilla MALAYO pa man ang presidential election ay very vocal na si Nadine Lustre sa …

Bam Aquino Sexbomb

Bam Aquino mainit na tinanggap sa SexBomb concert

NAKAKUHA ng mainit na pagtanggap si Sen Bam Aquino mula sa manonood sa pagdalo niya sa Get Get …

2026 Blue Falcon Awardees V Mapa HS Grand Alumni Homecoming

2026 Blue Falcon Awardees pararangalan sa 2026 V. Mapa HS Grand Alumni Homecoming 

MATABILni John Fontanilla ISA ang inyong lingkod sa bibigyang parangal sa gaganaping 2026 Victorino Mapa High …

John Fontanilla DJ Janna Chu Chu Cecille Bravo Jhen Boles

3rd Philippines Distinct Men & Women of Excellence Awards star studded 

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang naging pagbibigay-parangal ng 3rd Philippines Distinct Men & Women of Excellence …