PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus
NAKAKAILANG araw na ring sunod-sunod ang shooting ng ating Queenstar for all Seasons na si Vilma Santos para sa thriller movie na Uninvited.
Nang dahil nga sa social media, halos nabibigyan ng updates ang mga Vilmate at iba pang equally excited na mga supporter sa mga nagaganap sa shooting.
Kahit si Ate Vi ay nagagawang mag-post ng throwback picture nila ni Nadine Lustre na muli niyang makakasama sa naturang project directed by Dan Villegas. Super bagets pa si Nadine nang makasama niya ito noon.
At siyempre pa kahit si Aga Muhlach ay nagsasabing sobra siyang excited sa balik-tambalan nila ni Ate Vi, na halos noong 90’s pa nang huli silang magkatambal.
May mga nagdarasal na sana ay makaabot ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF) this December, but then again, narinig naman natin na ayaw ma-pressure ni Ate Vi tungkol diyan as she wants to enjoy every moment na katrabaho niya ang mga Gen Z gaya nina direk Dan, Tonette Jadaone, at Irene Villamor na puro mga kilalang filmmaker sa henerasyong ito, plus ang very active producer na si Bryan Diamante.
Pinag-usapan nga at halos nag-viral ang naging cast reveal ng Mentorque production para sa Uninvited where Ate Vi is playing dual roles as Lilia and Eva.
Makakasama nga rin nila sina Tirso Cruz lll, Lotlot de leon, Mylene Dizon, Elijah Canlas, RK Bagatsing, Gabby Padilla, Ketchup Eusebio, Gio Alvarez, Ron Angeles at marami pang iba.
Tunay namang kaabang-abang.