Thursday , June 4 2026
Ayana Misola WPS Ali Forbes, Daiana Meneses, Lala Vinzon, Lance Raymundo, Rani Raymundo, Jeric Raval

Ayana Misola tigil na sa paghuhubad

ni Allan Sancon

NAKATUTUWANG isipin na may isang katulad ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) ang nagbibigay ng kaalaman at impormasyon patungkol sa mahahalagang bagay na nagaganap sa ating bansa. Katulad na lamang ng nangyayari sa West Philippine Sea. Maraming curious at tanong sa ating sarili kung ano nga ba ang nangyayari sa West Philippine Sea.

Sasagutin ‘yan ng TV series na gagawin ng KSMBPI Film Division, sa kanilang WPS na pagbibidahan nina Ayana Misola, Ali Forbes, Daiana Meneses, Lala Vinzon, Lance Raymundo, Rani Raymundo, Jeric Raval at marami pang iba. 

Ang Advocacy TV series na ito ay may genre na fiction, drama, action, at romance. Nakae-excite na mapanood ang series na ito dahil sa maaksiyon at madramang mga eksena samahan mo pa ng romance na talaga namang kakikiligan ng mga manonood.

Ang WPS ay isang advocacy TV series patungkol sa pag-asa at katatagan. Tatalakayin din ang importansiya ng pagmamahal at kahalagahan ng pagkakaisa. Ipakikita rin sa pelikula ang true spirit ng nationalism at patriotism para sa tunay na pagmamahal sa ating mga kababayan at bansa.

Bahagi ang Vivamax artist and sexy star na si Ayana at natanong siya kung simula ba ito ng tuloy-tuloy niyang paggawa ng mga wholesome project at hindi na babalik sa pagpapa-seksi?

Hindi naman po, magpapa-seksi pa rin po ako pero hindi na ‘yung nude. Kasi ayaw ko na uli makasuhan ng KSMBPI. Maybe ito lang ang way para tumawid ako ng mainstream project at hindi lang puro pagpapa-seksi. At saka this is an advocacy film kaya masayang maging bahagi ako ng ‘WPS’ series,” pagbabahagi ni Ayana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Allan Sancon

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …