Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathryn Bernardo Charlie Dizon

Kathryn, Charlie, Ken, Cedrick, Janine, John  at Paulo wagi sa 26th Gawad PASADO

MA at PA
ni Rommel Placente

INANUNSYO na ng PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) noong Miyerkoles, September 18, ang mga nagwagi sa 26th Gawad PASADO. Gaganapin sa Oktubre 12 sa Philippine Christian University, Manila ang Gabi ng Parangal.

Si Paulo Avelino ang itinanghal na PinakaPASADONG Aktor sa Telebisyon para sa seryeng Linlang. Ka-tie niya si John Arcilla para naman sa Dirty Linen. Si Janine Gutierrez ang wagi bilang PinakaPASADONG Aktres sa Telebisyon para sa Dirty Linen. At ang nasabing teleserye naman ang mag-uuwi ng tropeo bilang PinakaPASADONG Teleserye.

Narito pa ang mga nanalo para sa major categories sa 26th Gawad PASADO.

PinakaPASADONG Pelikula ng Taon—Gomburza, Firelfly, at Third World Romance.

PinakaPASADONG Direktor ng Taon—Jose Pepe Diokno (GomBurZa); PinakaPASADONG Aktres—Charlie Dizon (Third World Romance) at Kathryn Bernardo (A Very Good Girl); PinakaPASADONG Aktor—Cedrick Juan (GomBurZa) at Ken Chan (Papa Mascot);

PinakaPASADONG Katuwang na Aktres—Dolly de Leon (A Very Good Girl); PinakaPASADONG Katuwang na Aktor—Enchong Dee (GomBurZa) at Epy Quizon (Firefly); PinakaPASADONG Batang Aktor—Euwenn Aleta (Firefly).

Samantala, sa tanong kung bakit hindi na-nominate si Nora Aunor bilang PinakaPASADONG Aktres para sa pelikulang Pieta, naka-anim nang PinakaPASADONG Aktres trophy si Ate Guy. Iniluklok na ito bilang Hall of Famer para sa PinakaPASADONG Aktres.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Marco Gomez Paolo Gumabao Atty Topacio Spring In Prague

Marco Gomez maganda exposure sa pelikulang “Spring In Prague”, Paolo Gumabao saludo sa  produ na si Atty. Topacio 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang exposure ni Marco Gomez sa pelikulang “Spring In …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Love Kryzl

Heart’s In Bloom ni Kryzl inilunsad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAKA-LSS ang bagong inilunsad at ikaanim na single ni Love Kryzl, ang Heart’s …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …