Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Hiro Magalona Marian Rivera Heart Evangelista Kris Bernal

Marian, Kris, at Heart gustong maka-eksena ni Hiro Magalona

MATABIL
ni John Fontanilla

DESIDIDONG magbalik-showbiz ang panandaliang nawala sa limelight after mag-end ang contract sa Kapuso Network na si Hiro Magalona.

Sunod-sunod noon ang mga proyektong  ginagawa ni Hiro sa GMA  na siya ang leadingman, pero napagod ito at nagdesisyong lisanin ang showbiz pansamantala at nag-focus sa pagnenegosyo.

Pero ngayong 2024 ay handang-handa nang magbalik-showbiz dahil aminado itong sobrang na-miss ang pag-arte sa  telebisyon at pelikula.

Sobrang na-miss ko ang showbiz, kaya naman eto ako ngayon susubok ulit baka mabigyan ng pagkakataong makabalik.

“Akala ko kasi okey na ako na nagnenegosyo na lang pero nakaka-miss pala ang pag-arte, kaya sana magkaroon ako ulit ng teleserye at pelikula,” ani Hiro.

Sa ngayon ay nasa proseso ng pagpapaganda ng katawan si Hiro para kapag nabigyan na siya ng pryekto ay handang-handa na.

Ilan sa mga pangarap niyang makatrabaho sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Barbie Forteza, Kathryn Bernardo, Nadine Lustre at ang kanyang mga naging kapareha na sina Kim Rodriguez at Kris Bernal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …