Wednesday , April 9 2025

Martin kumasa rin sa Maybe This Time dance craze

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

NAKAAALIW naman ang concert King na si Martin Nievera dahil game na game rin itong naki-uso sa viral video ngayong Maybe This Time dance craze.

Sa dinami-rami ng celebrities na gumagawa nito sa ngayon, kakaiba ang galawang Martin Nievera na animo’y lasing at parang batang inagawan ng candy hahahaha!

Wish naming gawin niya ito sa paparating niyang concert na The King 4ever sa Araneta Coliseum sa Sept. 27, 2024.

Bagay na bagay ito sa selebrasyon ng kanyang ika-42 taon sa industry lalo’t nagpapakita ang naturang dance craze and viral video na kering-keri pa rin niyang sabayan ang mga bagong uso.

Believe me, sobra siyang nakaaaliw panoorin at napaka-natural ng concert king sa mga galawang gen Z.

Sumikat noong 80’s ang naturang kanta (though may mga same title noong 1960’s) and up to now nga na 2024, in na in pa rin siya at binigyan ng bagong bihis ‘ika nga.

Maybe This Time sa concert ni King Martin ay malagyan niya ito ng bagong tunog at galaw lalo’t minsan na rin niya itong nagawan ng cover sa isang album niya, ‘di ba?

Push natin iyan King Martin hahaha!

About Ambet Nabus

Check Also

Barbie Forteza

Barbie Forteza nanindak sa bagong hairstyle 

RATED Rni Rommel Gonzales GINULAT ni Barbie Forteza ang lahat matapos ipost sa kanyang Instagram account ang bagong hairstyle. Ilang …

Andrea Brillantes ABS-CBN Ball 2025

Andrea nangabog sa agaw-eksenang cleavage

MA at PAni Rommel Placente BONGGA si Andrea Brillantes, huh! Nangabog lang naman siya ABS-CBN Ball 2025 sa …

Kathryn Bernardo ABS-CBN Ball 2025

I’m very happy and yes still single — Kathryn

MA at PAni Rommel Placente TINULDUKAN na ni Kathryn Bernardo ang napapabalitang umano’y boyfriend na niya si …

Alden Richards Lights Camera Run Takbo Para Sa Pelikulang Pilipino

Alden pangungunahan fun run para sa mga movie worker

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PATULOY na nagiging inspirasyon sa marami ang Asia’s Multimedia Star na …

Kathryn Bernardo Nadine Lustre

Kathryn at Nadine pagsasama kaabang-abang

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXCITED kami sa balitang mukhang magkakaroon na ng katuparan ang wish …