Thursday , September 19 2024
Teejay Marquez A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story

Teejay Marquez bilib kay Mayor Marcos Mamay

MATABIL
ni John Fontanilla

PROUD na Proud si Teejay Marquez dahil nabigyan siya ng pagkakataon na gampanan ang role bilang Marc (young Mayor Marcos Mamay) sa Advocacy Film na A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story.

Bilibsi Teejay sa journey na pinagdaanan ni Mayor Marcos, kung paano ito nagpursige at nagsikap sa pag-aaral para makamit  ang tagumpay.

Ayon nga kay Teejay, “Nakabibilib si Mayor Marcos Mamay kasi nagawa niyang maging successful dahil sa tiyaga at sipag.

“At kahit sobrang hirap ng kanyang pinagdaanan hindi siya sumuko at patuloy na lumaban.

“Kaya nga sobrang suwerte ko at nagpapasalamat kay Mayor Mamay dahil nabigyan niya ako ng pagkakataong mapasama sa ‘The Journey of Greatness… The Marcos Mamay Story’ at gampanan ang role bilang teenager na Marc (Marcos Mamay).

And sa movie makikita natin kung gaano niya kamahal ang mga tao ng Nunungan Lanao Del Norte.”

Makakasama ni Teejay sa A Journey to Greatness….The Marcos Mamay Story sina Jeric Raval, Ara Mina Almarinez, Ron Angeles, Polo Ravales, Mohammed Hassan Ali Marohomsalic, Ali Forbes, Victor Neri, Julio Diaz, Devon Seron, Tonz Lander, John Arcenas, Sabrina M and Shiela Delgado.

Directed by Neal Buboy Tan, hatid ng Mamay Production.

About John Fontanilla

Check Also

MTRCB

Age appropriate ratings ipinalabas ng MTRCB sa mga pelikulang mapapanood sa big screen

INILABAS ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang “mga rating na naaangkop sa edad” …

Sanya Lopez Dennis Trillo

Dennis nahumaling kay Sanya

RATED Rni Rommel Gonzales TULOY ang laban para sa pag-ibig, pamilya, at bansa sa high-rating …

Windows War

Widows’ War ‘di nauubusan ng pakulo

RATED Rni Rommel Gonzales HINDI nauubusan ng plot twists at shocking revelations ang high-rating GMA …

Kyline Alcantara Kate Valdez

Bardagulan sa panghapong show ng GMA patok

RATED Rni Rommel Gonzales NAGSIMULANG magningning ang mga hapon ng Kapuso viewer nitong Lunes (September …

Hyacinth Callado Bab Lagman

Hyacinth feeling safe kapag kasama si Gab

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL sina Heaven Peralejo at Marco Gallo ay may something romantic na, wala bang level …