Monday , May 12 2025
Honey Lacuna

P2K cash gift sa graduates ng PLM at UdM  

NILAGDAAN ni Manila Mayor maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan ang isang bagong ordinansa na naglalayong magkaloob ng cash gift na P2,000 sa bawat magtatapos sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM).

Ang bagong cash incentives ang nilalaman ng   Ordinance Number 9068, na ipinanukala sa Manila City Council ni Councilor Pamela Fugoso-Pascual at Majority Floor Leader councilor Ernesto Isip, Jr., bilang principal authors. 

Ang PLM at ang UdM ay itinatag at pinatatakbo ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Lacuna, ang “Taas-Noo Manileño Graduation Gift Ordinance 2024” ay layong magbigay sa mga magsisipagtaois sa UdM at PLM ng cash gifts at ito ay epektibo sa School Year 2023 – 2024.

Ayon kay Fugoso, ang insentibo ay ipinagkakaloob  “in recognition of the vital role of the youth in society and nation-building.”

“Both premier universities have produced graduates that have become significant contributors to nation building, bearing the ideals and aspirations of every Manileño,” pahayag ni Isip.

Ang bawat recipient ay dapat na naka-enrol, bonafide Manila resident, at mayroong good standing sa UdM o PLM.

Samantala, ipinapanalangin ni Lacuna ang matagumpay na gamutan sa back injury ng Olympian pole vaulter EJ Obiena at kasama sa dalangin ng alkalde ang mabilisang paggaling ng atleta.

Matatandaan na si Obiena ay pinagkalooban ng P.5 milyong cash incentive ng Manila city government kamakailan para sa fourth place finish nito sa  2024 Paris Oympics.

Si Obiena at true-blue Manileño na tumira at lumaki sa Tondo at nag-aaral sa University of Santo Tomas (UST). (BONG SON)

About Bong Son

Check Also

Manny Pacquiao

‘Knockout jab’ pinakawalan ni Pacquiao vs mga kritiko

BOKSINGERONG Obsessed na Bigyang Oportunidad (B.O.B.O.) ang mahihirap.  Ito ‘knockout jab’ ni senatorial candidate Manny …

NP Grand Rally, dinagsa ng libo-libong tagasuporta ni Carlo Aguilar sa Las Piñas

NP Grand Rally, dinagsa ng libo-libong tagasuporta ni Carlo Aguilar sa Las Piñas

NAGPAKITA ng matinding suporta ang mga residente ng Las Piñas sa ginanap na Grand Rally …

FPJ Panday Bayanihan

FPJ Panday Bayanihan Partylist umani ng malawak na suporta sa San Jose, Batangas

HABANG ang bansa ay naghahanda sa midterm election, ang FPJ Panday Bayanihan Partylist ay pumapaimbulog …

Nene Aguilar

Suporta sa miting de avance ng tatak Nene Aguilar team, bumuhos

BUMUHOS ang suporta ng libo-libong Las Piñeros sa miting de avance ng Tatak Nene Aguilar …

Abby Binay

Sa Makati Subway Project, pagsasara ng pasilidad sa EMBOs
ABBY BINAY NAHAHARAP SA CRIMINAL, CIVIL CASES

NAHAHARAP si Mayor Abby Binay sa dalawang magkahiwalay na kasong kriminal at sibil dahil sa …