Wednesday , September 18 2024
Heart Evangelista Pia Wurtzbach

Heart bumuwelta sa mga umeepal — I own the necklace, I can do whatever I want

MA at PA
ni Rommel Placente

BINUWELTAHAN ni Heart Evangelista ang mga bumabatikos sa kanya dahil sa  pagpapasuot niya ng milyones na halaga ng necklace sa alagang aso na si Panda.

Hindi na nakapagpigil ang Kapuso actress sa mga nangnenega sa kanya sa social media matapos nga niyang ibandera ang mga litrato ng kanyang pet dog na suot ang isang Serpenti Viper necklace mula sa luxury jewelry brand na Bulgari.

Ang naturang kuwintas ay nagkakahalaga ng P11-M!

Banat ng mga basher ni Heart, isang kabatusan daw at kawalang respeto sa nasabing luxury brand ang pagpapasuot niya ng kuwintas mula sa koleksiyon ng kompanya sa isang aspin na tulad ni Panda.

May nagkomento rin na halata raw na patama niya ito kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na siya ngayong Philippine brand ambassador ng Bulgari.

Ikinompara pa ng ilang netizens ang kuwintas ni Panda sa suot na Serpenti emerald and diamond necklace ni Pia sa kanyang Instagram post last June na may price tag daw na P14-M to P21-M.

Kaya naman sa Instagram Live ni Heart ay ipinagtanggol na niya ang sarili sa mga umeepal sa pagpapasuot niya ng mamahaling kuwintas kay Panda.

I own the necklace, you know. I can do whatever I want, then pull it out. Basically, Panda owns the necklace. So, hindi siya loan. So, she can do whatever she wants with it,” sabi ni Heart.

So, Panda is my most spoiled baby girl. So, I don’t understand why people are making it such ano… that I put diamonds on her,” katwiran pa ng misis ni Senate President Chiz Escudero.

About Rommel Placente

Check Also

Sylvia Sanchez Rita Atayde Zanjoe Marudo Art Atayde

Sylvia araw-araw tsine-tsek si Ria

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KABUWANAN na ni Rita Atayde kaya naman si Sylvia Sanchez, …

Arjo Atayde Cattleya Killer Topakk Bagman

Arjo Atayde, waging Best Male Lead in a TV Program/Series sa 2024 ContentAsia Awards

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MULING kinilala ang husay ni Arjo Atayde at itinatak ang kanyang …

Zyruz Imperial

Zyruz Imperial balik concert scene

MATABILni John Fontanilla ISANG makabuluhang konsiyerto ang magaganap sa October 16,  2024, 8:00 p.m. sa …

Arjo Atayde Content Asia Awards Cattleya Killer

Arjo tuloy-tuloy ang pamamayagpag sa international award

MATABILni John Fontanilla MULI na namang ipinamalas ng actor-public servant na si Arjo Atayde ang kanyang status …

Ishmael Bernal Libingan ng mga Bayani

Labi ni National Artist Ishmael Bernal inilipat sa Libingan ng mga Bayani

I-FLEXni Jun Nardo INILIPAT  na sa Libingan ng mga Bayani ang labi ng National Artist …