Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
CIA with BA Boy Abunda Cayetano

Babae humingi ng tulong sa CIA with BA sa pagkalat ng sex video sa mga kaibigan

ISANG babae na may bipolar disorder ang lumapit sa CIA with BA para humingi ng tulong ukol sa pagkalat ng isang sex video na kinunan kasama siya.

Sa segment na Payong Kapatid, ibinahagi ni Elaine na dahil sa kahirapan ay napilitan siyang magtrabaho bilang sex worker sa Quezon City. 

Sa kanyang unang araw, nagkaroon siya ng mga kliyente, ngunit sa sumunod na araw ay wala na.

Nag-aalala na baka hindi na siya makakuha ng mga kliyente, naghanap siya ng trabaho sa pamamagitan ng social media. Rito na nagsimula ang kanyang kalbaryo nang makipag-ugnayan sa isang tao na nagpakilalang ahente at sinabing may kliyenteng Chinese na bukod sa pagtatalik, gusto rin ng sex video para sa mas mataas na halaga.

Matapos i-record ang video gamit ang kanyang sariling telepono, may nagpakilala namang umano’y kasama ng ahente at kinuha ang kanyang email address upang ipadala ang code. Ngunit ito pala ay isang scam. Na-hack ang kanyang social media accounts, mga e-wallet, at pati ang kopya ng sex video.

Rito na nagsimulang ibenta ng hacker ang kanyang sex video, maging sa mga kaibigan niya sa social media.

Ipinahayag ni Senator Pia Cayetano ang tatlong mahahalagang punto tungkol sa kaso ni Elaine. Una, talagang dapat maging maingat sa pagsali sa social media groups. Pangalawa, bagamat pumayag si Elaine na magpa-video, wala pa ring karapatan ang sinuman na ikalat ito ayon sa batas na Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009, na siya ring isinulong ni Senator Pia. Ikatlo, ang mga responsable rito ay maaaring managot sa ilalim ng Trafficking in Persons Act.

Ipinaliwanag naman ni Dr. Ernest Nora, isang general psychiatrist, na ang mga desisyon ni Elaine ay maaaring dahil sa kanyang kondisyon.

“It’s a mood disorder na mayroong pong extremes. On one side would be depression — lagi siyang malungkot, hindi maganda ang pananaw niya sa buhay. But on the other side is ‘yung mania. Kapag ganito po, sobra naman ‘yung activity nila — lahat akala kaya nilang gawin… kasama po roon would be ‘yung mga pre-occupations niya with sex. Ito po ay isang sintomas. Ang mahirap po kay Elaine ay ginamit niya bilang trabaho. But ‘yun po ay napalala pa,” paliwanag niya.

“Mayroon pa pong isang kondisyon si Elaine na bihirang-bihira po. Ito po ‘yung androgen insensitivity syndrome. Although babae si Elaine, mayroon siyang hormones na panlalaki at isa ‘yon sa nag-a-adapt ng kanyang hypersexuality — ito po ‘yung dating tinatawag nating nymphomania. Mayroon siyang poor impulse control with regards to that,” dagdag pa.

Ayon pa sa eksperto, ang mga gamot ay makatutulong sa pamamahala ng kondisyon, ngunit ang therapy ay tutulong sa kanya na makayanan ang panghabang-buhay na paggamot, na ipinangako ng programa na susuportahan.

Ang CIA with BA ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senador Rene Cayetano at mapapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, na may replays sa GTV tuwing Sabado ng 10:30 p.m.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …