PAANO makabubuo ng good feng shui sa laundry room? Posible ba ito?
Oo, posibleng magkaroon ng good feng shui sa laundry room, katulad din ng posibleng pagkakaroon ng good feng shui sa closet, garahe, o sa basement.
Ang erya man ng inyong bahay ay challenging, hindi ibig sabihin na ito ay mayroong bad feng shui; ang ibig sabihin ay kailangan mong maglaan ng sapat na panahon para makabuo ng good feng shui sa eryang ito.
Narito ang tatlong pangunahing hakbang para makabuo ng good feng shui sa laundry room:
*Alisin ang mga kalat at i-organisa ang loob nito. Walang ibang feng shui cures sa makalat na lugar.
*Maglaan ng panahon sa paglilinis ng laundry room at mag-isip ng mga paraan sa pag-organisa rito. Maglagay ng maximum shelving space gayundin ng mainam na storage containers.
*I-decorate ang laundry room para sa good feng shui. Alamin ang feng shui bagua area ng laudry room at maglagay rito ng feng shui wall color ayon kailangang feng shui element. Tiyaking sapat ang liwanag, huwag gagamit ng boring at malungkot na light bulb.
Lady Choi