Saturday , July 27 2024

Purisima sinabon si Biazon

Pinagalitan ni Finance Secretary Cesar Purisima ang kanyang Customs Commissioner na si Ruffy Biazon na lalong nagpaliit ng daigdig ni commissioner sa bakuran ng Bureau matapos niyang ipaglilipat ang mga empleyado at iba pang order na kanyang pinalabas nang walang pahintulot ni Secretary.

Tila tuluyang nabahag ang buntot ni Biazon matapos niyang sagutin ang katanungan ng mga taga-media ng “no comment.”

Hindi magandang senyales sa Bureau, na mismo ang commissioner at kanyang immediate boss na si Purisima ay magsisihan sa umano’y paglilipat ng mga opisyales at employees na hindi raw inihihingi ni Biazon ng aprubal sa Finance.

May batas naman nag-aatas sa Commissioner of Customs na isangguni muna ang anomang transfer ng bureau personnel kay secretary pero tila yata hindi ito sinusunod ni Biazon.

Tulad nga naman ng pagde-detail sa isang security guard bilang warehouse man na ang binabantayan ay mga kargamentong daan-daang milyon na taxable goods. Paano kung smuggler pala ang operator at kasapakat ni sekyu? Maraming nangyayaring nakawan sa mga bodega ng Customs, sa totoo lang. Isipin na lang na walang performance bond si sekyu na sumusweldo lang ng wala pa sa P10,000 kada buwan at ni hindi civil service eligible.

Marami-rami rin designation na ginagawa ni Biazon  sa mga personnel kahit hindi sila qualified sa nasabing pwesto tulad ng pagtatalaga ng warehouseman bilang examiner upang mag eksamin ng milyon-milyong kargamento. Mayroon  din mga taga-intelligence at pulis hindi naka-detail. Ito ang ikinagagalit ni Purisima.

Bueno, tila itong huling memorandum ni Biazon na 17 collectors ang kanyang ipina-transfer sa isang bagong opisina sa DOF, ito yata ay may BASBAS ni Purisima.

Ano na lang kaya ang iniisip ng mga importer at mga innocent bystander?

Arnold Atadero

About hataw tabloid

Check Also

Ruru Madrid Coco Martin

Ruru gagayahin si Coco magdidirehe at magpo-produce

RATED Rni Rommel Gonzales NADISKUBRE namin na may ambisyon pala si Ruru Madrid na maging isang producer. …

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *