Thursday , June 4 2026

Invisible na ba sina Bantag, Quiboloy, at Guo kaya hindi matunton?

YANIG
ni Bong Ramos

TILA invisible na hindi nakikita ng ordinaryong mata ang mga taong hanggang sa kasalukuyan ay nagtatago kung kaya’t hindi matunton ng mga awtoridad.

Sa sarkastikong pananalita at sa pamamagitan na lang ng biro, sinasabing ang mga taong ito na kundi man invisible ay maaaring nag-aanyong langgam o ipis na hindi mo basta makikita’t mapapansin.

Ang mga taong tinutukoy dito ay sina dating BuCor Chief Gen. Gerald Bantag, Pastor Apollo Quiboloy, at ang huli ay si dating Mayora Alice Guo ng Bamban, Tarlac.

Si Bantag ay halos isang taon na rin hinahanap ngunit hanggang ngayon ay wala pang nakukuhang inpormasyon ang kinauukulan.

Si Quiboloy naman ay mahigit isang buwan nang hinahanap ng sanib-puwersa ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ngunit hindi pa rin matunton.

Sa kabila ng milyong pisong reward na ibinibigay ng gobyerno sa sinomang makapagtuturo ay wala pa rin resultang nakikita.

Malaki raw ang posibilidad na ang reward money na ibinibigay ng gobyerno ay dinodoble ni Quiboloy kung kaya’t wala rin itong bisa.

Ang mayora naman ng Bamban, Tarlac na si Guo, inakusahan ng sandamkmak na kung ano-ano ay bigla na lamang hindi sinipot ang pagdinig ng Senado at halos isang buwan na rin nawawala.

Ang mga nasabing tao na hanggang sa kasalukuyan ay nagtatago at pawang mga bilyonaryo ay siguradong malakas pa rin ang impluwensiya sa matataas na opisyal ng bansa partikular sa mga politiko.

Kung sinasabing si Guo ay nakapasok nang ilegal sa bansa gamit ang mga pekeng dokumento, hindi malayong makalabas din siya sa Filipinas sa ganon ding estilo.

Bukod kay Guo, sampu ng kanyang pamilya at mga kasosyo sa negosyo na pawang mga intsik na nakapasok din sa Filipinas na areglado ang lahat ng mga dokumento at legal na papeles.

Sa puntong ito, maliwanag na may kasabwat sila sa gobyerno kung kaya’t walang problemang kinakaharap habang namamalagi dito bilang mga negosyante. Kumbaga, pera-pera lang iyan, puwera damdamin.

Kung nakapasok nang legal, malamang na maka-labas rin sa pamamagitan ng pera at koneksiyon pa rin sa mga dating tao nilang ginamit sa pagpasok, ‘di po ba?

Dahil sa tagal ng resulta at sanhi na rin ng pagkainip, idinaraan na lang sa biro ng marami nating mamamayan ang mga posibilidad kung bakit hindi sila matunton ng mga law enforcers.

May nagsasabing nagpapalit na raw ng mukha, sabi naman ng iba ay may ka-double na raw at ayon naman sa ilan ay katabi lang daw ng isang makapangyarihang tao na nagdadala rin ng martsa sa bansa. Quiet lang daw at kalmado ngunit hindi puwedeng salingin.

Meron din matinding biro na sa kabila raw ng itsurang barbaro at barako ni Bantag, siya raw ay transgender na at ngayo’y mukhang ganap nang babae.

Si Quiboloy naman daw ay ganon din, sa kabila ng pagiging rapist ay isang ganap na babae na rin… konserbatibong old maid…

Si Mayora Guo naman anila na sa sobrang puti at kinis ay nagpabago na ng kulay na kinopya sa mga native na Aeta na siya ring kumukupkop sa kanya.

Sa liit ni Mayor Guo ay pagkakamalan mo talaga siyang native na Aeta sa bulubundukin ng Bamban, Tarlac.

Kung sakaling nagkatotoo ang mga pantasyang ito, talagang hindi na sila makikilala ng kahit sino.

Ang mga birong ito ay dala na rin ng kung ano-anong pantasya bunga na rin ng buryong at pagkainip sa paghihintay ng resulta mula sa mga awtoridad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …