Thursday , June 25 2026
Niño Muhlach Sandro Muhlach

Niño Muhlach emosyonal, tumaas ang BP sa Senate hearing

HINDI napigilang maging emosyonal ni Niño Muhlach sa pagharap sa Senate hearing kaugnay ng sexual abuse na isinampa ng anak niyang si Sandro Muhlach laban sa dalawang independent contractors ng GMA 7.

Ang isinagawang public hearing ng Committee on Public Information and Mass Media ay pinamumunuan ni Sen. Robin Padilla kahapon, August 7.

Bukod kay Robin, present sa hearing sina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong Revilla

Hindi naman dumalo sa hearing ang GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard “Dode” Cruz.

Ibinahagi ni Nino kung gaano katindi ang trauma na idinulot sa kanyang anak ng nangyaring insidente.

Bilang ama, I may have not been a good husband, I may not have tried my best to be a good husband, but I could proudly say that I did my best to be a good father.

“Sa abot ng aking makakaya, ‘yung mga anak namin, tinuruan naming maging magalang, maging marespeto.

“Si Sandro, noong nagsabi siya sa akin na gusto niya mag-artista, sabi ko, ‘Sige, pero hindi kita tutulungan.”

Hindi ginamit ni Nino ang kanyang impliwensiya para makapasok ang anak. Pero kinarir talaga ng kanyang anak ang  pag-o-audition.

Nagulat nga siya nang ibalita na natanggap iyon sa Sparkle GMA Artist Center.

Nagulat na lang ako isang araw, biglang sinabi niya, ‘Pa, natanggap ako ng Sparkle.’ Nakuha siya ng Sparkle. So, proud naman ako na pinagdaanan niya ‘yung ganoon,” ani Nino.

Ibinahagi rin ng dating Childwonder kung gaano kaganda ang ugali ng anak. Mababa raw ang loon nito kahit  galing sa showbiz clan, “Kahit na may kotse siya, kapag may taping siya, sumasabay siya sa service para walang special treatment, ganoon kababa ang loob ni Sandro.

“Very meek, very tahimik, at sobrang mahal niya talaga ‘yung trabaho niya. Kaya talagang ako’y nasaktan noong kinuwento niya sa akin ‘yung nangyari.”

At dito na hindi maitago ni Nino ang pagiging emosyonal.

“Kasi, para makita mo ‘yung anak mo na nanginginig at halos hindi niya mahawakan ‘yung telepono niya.

“Niong ikinukuwento niya sa akin, ‘yung ginawa sa kanya, lalo na si Jojo Nones, katrabaho namin siya sa ‘Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis’ (comedy show ng GMA na pinagbidahan nina Bong Revilla at Beauty Gonzalez).

“Siya po ‘yung headwriter namin. At sobrang galang ko sa kanya, sobrang respeto ko sa kanya. Kaya ‘di ko talaga matanggap na nagawa niya sa anak ko. ‘Yung isa naman, ‘di ko naman siya kilala,” ani Niño na ang tinutukoy ay si Dode Cruz.

Idinagdag pa ng aktor na ang unang sinabihan ni Sandro ukol sa insidente ay ang nakababatang kapatid na si Alonzo

Sabi raw ng batang aktor sa kanyang kapatid, “Bro, sana huwag mangyari sa inyo ‘yung nangyari sa akin.

Nakakasama lang talaga ng loob. Kung kaya nilang gawin sa… hindi ko naman po binubuhat ‘yung aking banko, pero sa isang pamilya talaga na malaki na ang kontribusyon sa industriyang ito. What more sa iba? What more sa mga baguhan?

“‘Di ko naman sinasabi talaga na may ginawan sila na iba, pero ‘di po ba, kung nakaya nilang gawin sa isang pamilya na may pundasyon na sa industriyang ito, what more sa iba?”

“Tapos ngayon, binabaliktad pa nila ‘yung sitwasyon. Hindi ko sinabing GMA, ha. Binabaligtad nina Jojo at Richard ‘yung nangyari sa mga comment nila, sa mga press release nila.

“Nakakasama lang ng loob na kung sino pa ‘yung may sala, ‘yan pa ‘yung nagagawang magbaligtad na istorya.

“Kahit sino naman sigurong ama or magulang, ganito rin ang mararamdaman para kay Sandro. Ngayon po, right now, he’s undergoing counselling.

“Hindi po nabanggit ng NBI (National Bureau of Investigation) pero naroon po si Sandro ngayon sa NBI, sa Behavioral Science. Right now, he’s undergoing counselling,” anito.

Pagkatapos magsalita, tumaas ang blood pressure ni Niño kaya agad naglapitan sa kanya ang ilang medics para kunan ng BP. (MValdez)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Renz Verano Hiram

Renz Verano klik pa rin, bagong kanta inilunsad

MATABILni John Fontanilla LABIS-LABIS na nagpapasalamat si Renz Verano sa suporta at pagmamahal ng kanyang mga tagahanga. …

Coco Martin Julia Montes Sigabo

Sigabo ni Coco pang-internasyonal, Unang episode nakakuha 404,124 peak concurrent viewers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IBA talaga kapag Coco Martin ang nagbida sa isang action series samahan mo …

Bam Aquino BINI

Bam Aquino sinamahan anak na si Rory at mga kaibigan sa BINI concert

IPINAGDIWANG ni Senador Bam Aquino ang Father’s Day kasama ang kanyang anak na si Rory at mga kaibigan nito …

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …