MA at PA
ni Rommel Placente
AMINADO si Gloc-9 na hindi na rin madali para sa kanya ang mag-perform ng live sa mga gig at concert, dahil may edad na siya. Fourty seven na ang rapper-songwriter.
“Hindi na po madali, masakit na rin ang lalamunan ko, may mga nararamdaman na ako after kong kumanta. Alam ko rin na hindi na ganoon karami ang palakpak na nare-receive ko,” pahayag ni Gloc-9 sa panayam ni Boy Abunda sa show nitong Fast Talk with Boy Abunda.
Tanggap na rin ni Gloc 9 ang katotohanan na marami ngayon ang mas magaling at mas bata sa kanya.
Pero sa halip na inggit at insecurity ang maramdaman, natutuwa at na-excite pa siya hinggil dito.
Isa raw sa hinahangaan niyang batang rapper at songwriter ay si EZ Mil na nakabase ngayon sa Amerika at doon gumagawa ng sariling pangalan. Mas lalo pa siyang bumilib sa binata nang maka-collab ito.
“Ako’y tuwang-tuwa na ako’y buhay na nakita ‘yon. Para mabuhay ako sa time na may isang Filipino na naka-apiran niya ‘yung mga artist na pinakikinggan namin sa CDs ay isang bagay na dapat ipagmalaki mo talaga,” sabi ni Gloc-9.
Samantala, inamin din niya na natakot siya nang ilabas ang kantang Sirena noong 2012, lalo na sa magiging reaksiyon ng LGBTQIA+ community.
Baka raw kasi mayroon siyang lyrics sa song na hindi tama at mabatikos ng mga member ng komunidad.
“Kung alam n’yo lang kung gaano ako katakot noong time na ini-release namin ‘yung kanta. Dahil ayaw kong malaman na mayroon akong inilagay doon na hindi tama,” sabi ng rapper.
Ngunit sabi sa kanya ni Tito Boy, maituturing na regalo sa LGBTQIA+ community ang . “That has become an anthem. Maraming, maraming salamat, hindi lamang nanggagaling sa akin pero galing na rin sa community,” sabi ni Kuya Boy.
Nauna rito, nabanggit din ni Gloc-9 na inspired sa kanyang anak na beki ang Sirena.